TEASER

31.5K 330 15
                                    

Ako si Erica Valentino. Isang boldstar. Madalas makita sa mga pornsite. Pinagpapantasyahan, pinagnanasahan.

Sa paningin ng mga kalalakihan, ako ay hindi sineseryoso. Sa dami ba naman ng mga lalaking dumaan sa buhay ko?

LAKOMPAKE naman ang peg ko. Bata pa lang, mulat na ako sa maruming mundong ito. Bakit ko pa bibigyang halaga ang sasabihin ng iba?

Pero dumating si Sir Errol. Isang guwapo at mayamang lalaki. Gusto akong ihango sa putikan na sa tingin ko ay normal na lang.

Malulungkot ang mga mata niya. Puno ng misteryo at napakaseryoso. Sa tuwing tinititigan niya ako, nabubuhay lahat ng init sa aking katawan. Init na minsan ko lang naramdaman sa buong buhay ko na agad ding tinupok ng saklap ng kapalaran.

Nabuhay ang interest ko kay Sir Errol.


Gusto kong bigyan ng init at landiin ang lalaking ito...




DAUNTLESS CHANGE (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon