P-paanong---? Magkaboses sila....siya kaya yun? Siya kaya ang tumakot sa akin? Siya yung tumawag sa akin?

"How's you're trip with you're love ones? Tell me, ahli...gusto kong marinig..."-malalim ang kanyang boses at punong puno ng lamig. Nakakapanindig balahibo.

Napakuyom ang kamao ko at buong lakas akong tumayo kahit nanghihina pa ako. Gusto ko itong harapin para ipamukha sa kanyang, hindi ako basta-basta natatakot. Kung sino man ang taong to na nasa harapan ko, wala na akong pakealam kung ano ang kaya niyang gawin sa akin.

"A-anong kailangan mo sa akin?! Sino ka ba?!"-sigaw ko na naging dahilan ng pagsilay ng kanyang ngisi sa labi.

Napalunok ako ng dumilim ang mukha nito at walang emosyon akong tinignan.

"You're asking me who I am?"-sarkastiko niyang tanong at dinampot ang baril nito sa kanyang mesa.

Naka suit pa ito na para bang nanggaling sa business trip at sa boses pa lang niya, nagbibigay na sa akin yung kaba. Paano pa kaya kapag may ginawa to sakin? Anong kaya niyang gawin?

Hindi ako nagpatinag ng naglakad ito papalapit sa akin. Amoy na amoy ko ang kasamaan nito at kasakiman. Tindig at kilos pa lang niya alam ko ng masama siyang tao.

"Why, ahli? Nakalimutan mo na ba ako?"-seryoso niyang tanong at pinasadahan ang dulo ng baril sa aking pisngi.

Lalo akong nanginig sa takot na baka iputok niya sa akin yun. Hindi ako kumilos. Ni ata paghinga ko ay di ko magawa.

"A-anong Ibig mong s-sabihin. Hindi kita kilala."-nauutal kong sambit at napapikit ng mariin.

"Remember me, ahli...you can't change the fact the we know each other."-nakangisi siyang naglakad sa likod ko na lalong nagpadagdag ng kaba sa akin.

Napakunot naman ang noo ko sa sinabi nito. Ni kahit ano, wala akong maisip na magkakilala talaga kami. Mas matanda naman ito sa akin kaya paano ko siya makikilala? Halos magkasing edad na sila ni mommy sa katandaan niya.

"Hmmm...you really don't know me?"-malamig niyang tanong at saka nagtungo sa kanyang lamesa. Umupo ito sa ibabaw habang pinaglalaruan ang hawak niyang baril.

"H-hindi kita kilala."-matigas kong sambit na kinatawa niya.

Parang namimingi ako dahil sa tawa niyang yun. Nakakatakot, nakaka irita, nakakalito. Hindi ko maintindihan.

"Do you want me to give you a clue?"-ngumisi siya ng nakakaloko na lalong nagpadagdag sa sakit ng ulo ko. Napahawak ako sa aking ulo dahil parang may kung anong malabong pangyayari ang naalala ko.

"Bang! Bang! Ahlisha...."-nakangisi niyang sabi habang patuloy ito sa pagtawa. Mapaglaro ang kanyang boses.

Napasabunot na lang ako sa aking buhok dahil sa sobrang sakit ng ulo ko.

"T-tama na..."-mahinang pakiusap ko. Napaluha na lang ako habang iniinda ang sakit sa ulo ko.

"Hmmm, where are you ahlisha?"-dagdag pa niya.

Lalong sumakit ang ulo ko sa sinabi niya. Napaupo ako sa sahig habang iniinda ang mga ala alang pumasok sa aking isipan. Mga ala alang matagal ko ng binaon sa limot pero unti unting nagiging malinaw sa aking isipan.

*Flashback*

"A-anak...t-tumakbo ka na..."-nanghihinang napahawak sa pisngi ko si papa habang sinasabi niya yun.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now