Chapter 20

9.4K 144 1
                                    

Chapter 20: 'About them'

Ahli's POV

Ramdam na ramdam ko ang mabilis na kabog ng dibdib ko. Bawat hakbang na ginagawa ko, hindi ko maiwasang kabahan. Pinagpapawisan ako kahit naman makulimlim at mahangin.

Kinakabahan ako at hindi ako mapakali dahil kanina ko pa nahahalatang may nakasunod sa akin. Hindi lang ako nagpapahalata dahil alam kong sasaktan nila ako. Ang kaya ko na lang gawin ngayon ay ang maglakad ng mabilis kahit kinakabahan ako.

Alam ko kung sino ang mga sumusunod sa akin. Alam ko na kanina pa sila naghahanap ng tyempo para dakpin ako kaya ganito na lang ang kabog ng dibdib ko.

Natigil lang ako sa halos takbo-lakad ko ng may humarang sa aking dalawang lalake na naka pormal suit.

Ang mga men in black.

Napalunok ako sa takot dahil may hawak silang baril. Hapon na at naglalakad ako pauwi ng bahay ng mag isa. Nasa kalye ako pero walang tao. Wala namang mga bahay dito dahil mga pananim lang ang nasa gilid.

Dahan dahan akong napaatras pero lalo akong kinabahan ng may dalawa ding men in black sa aking likod. Lalo akong kinabahan.

"A-anong kailangan niyo?"-pilit kong pinatatag ang boses ko kahit na kanina ko pa gustong mahimatay sa kaba.

Gusto kong tumakbo at sumigaw, nagbabakasakaling may makakita sa akin pero mukhang malabo dahil may papalapit na isang itim na van. Imbes na makaramdam ako ng kaginhawaan, lalo lang akong natakot.

"Hindi mo ginawa ang utos namin sayo."-madiing tugon nung isa na nasa harapan ko. Nanlilisik ang mata na animo'y nagtitimping huwag akong patayin.

Nanginginig ang kamay kong napakapit sa strap ng bag ko.

"H-hindi ko k-kaya ang p-pinapagawa niyo kaya--"

"Kaya ka sumama sa lacuesta'ng yun! Nakipagkampihan ka para mabuhay diba?!"-mahigpit na hinawakan ako sa braso nung isa.

Kita ko naman sa gilid ng aking mata ang pagtigil nung itim na van sa gilid namin na tila tinatakpan kami upang walang makakita sa amin.

Nanatiling tikom ang bibig ko habang nananalangin sa aking isip na sana walang mangyari sa akin.

Tangina, pasalamat ang mga to at may sinusunod akong plano baka kanina ko pa nasapak mukha nila.

Gusto kong umirap pero nanatili akong nakayuko. Inaamin kong kinakabahan talaga ako. Syempre. Sinong bang tanga ang magpapahuli sa mga to diba? Wala akong choice kundi magpahuli dahil yun ang first step namin sa planong to. Nakaka kaba dahil hindi ko alam ang gagawin ni mondriguez kapag nahuli nila ako.

Alam na namin na sumusunod kanina pa ang mga to kaya naman sinadya ko talagang maglakad dito mag isa para maging matagumpay ang first step namin.

"Magdasal ka na dahil hindi ka na makakawala pa at sisiguraduhin naming hindi ka na masisilayan pa ng mga gagong yun!"-sgaw nung isa at walang pasabing hinila ako papasok sa loob ng van.

Nagtaka naman ako sa sinabi niya. 'Mga gagong yun'... Ibig sabihin, hindi lang si khanzler ang tinutukoy niya. May kinalaman din ba sina renzo dito? At hindi lang si khanzler ang gusto nilang patayin? Kaya ba tumutulong din sina renzo kay khazler?

Posible. Hindi na ako magtataka dun dahil magkakaibigan sila. Hindi ko talaga mapigilang mahiwagaan sa apat na yun. Napakamisteryoso nilang tao. Napakahirap basahin.

Hindi na ako umimik pa ng piniringan nila ako. Tapos ko na ang first step at sana naman magawa ni drex ng maayos ang second step.

Linagyan kasi nila ako ng tracker para malaman nila kung saan nila ako dadalhin at para narin malaman nila ang lungga ng mondriguez. Parang two birds in a one shot. Hindi ko nga yun naisip agad. Hindi ko aakalaing may nalalaman si drex tungkol sa mga tracker-tracker. Sabi niya siya na daw ang bahala dun.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now