129 - n

54 0 0
                                    

{ pov: glee choi }

"i love you, glee." nginitian niya ako.

"i love you too, sehun." i smiled back. yung puso ko tumatalon na sa sobrang saya.

and then he kissed me under the beautiful tree in the venue's beautiful garden.

f*ck!

hahahaha, ang saya naman. pati ba naman sa panaginip?

natulog ako kagabi na umaasang makakalimutan ko lahat ng sakit pero hanggang sa panaginip, masakit, at pagmulat na pagmulat ng mata ko, lalong masakit. sana lang ganon nalang ang nangyare, gaya sa panaginip ko.

pinunasan ko 'yong mga mata kong 'di ko namalayang lumuluha na pala at bumuntong-hininga ako. hindi ko alam kung pano ko na haharapin ang mundo ngayon.

bago ko pa man maipikit ulit ang mga mata ko, nakarinig ako ng katok sa pinto ng kwarto ko.

"anak? gising ka na ba? ano bang nangyare kagabi?" si mama.

napabuntong-hininga ako ulit. ayoko nang maalala, ma.

(flashback)

'di na ako mapakali dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. ang tagal mo naman, sehun.

napa-angat ang tingin ko nang makarinig ako nang mga yapak papalapit sa'kin. agad akong napasimangot, bumagsak ang balikat ko at lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko. noooo, namamalikmata lang ako, 'di ba?

agad akong tumayo at akmang lalagpasan na siya nang hawakan niya ang balikat ko pero agad ko ring tinanggal.

"glee, please.."

"hindi ikaw ang kailangan ko, nasan na si sehun?"

ramdam kong naka-tingin siya sa'kin pero hindi ko siya tinatapunan ng tingin.

"glee, mag-usap tayo, please."

bumuntong-hininga ako, bago naglakas loob ng tingnan siya. "ano bang kailangan mo, chanyeol? wala na tayong dapat pag-usapan, matagal nang wala."

"patawarin mo 'ko.." nakatingin siya ng diretso sa mga mata ko at kitang-kita ko ang pagsisisi sa mata niya pero 'di na ako magpapadala do'n.

"tama na, chanyeol, please naman. naka-move on na ako."

"gusto ko lang magpaliwanag sa'yo.."

"hindi mo na kailangang magpaliwanag, ayoko nang maalala. ipapaalala mo nanaman sa'kin kung paano mo pinaglaruan yung nararamdaman ko at kung paano mo ako binalewala!"

"i'm sorry, glee. ang gago ko alam ko, napaka-gago ko. hindi ako nag-iisip no'n, hindi ko alam kung bakit hindi ko pinahalagahan 'yong relasyon natin pero nung nawala ka narealize ko na mahal na mahal kita."

"tama na, chanyeol, hindi ko na kasalanan 'yon. kung closure lang ang kailangan mo, ito na 'yon, tama na, kalimutan na natin ang isa't-isa."

mahal ko siya no'n. siya ang first boyfriend ko kaya siguro wala akong alam na mali na pala ang pagtrato niya sa'kin, haha. noong una sweet siya sa'kin pero nang magtagal, nung hulog na hulog na ako, binabalewala niya na ang mga chats, texts, at mga tawag ko. puro siya inom, at may iba na rin pala siyang nilalandi, no'n. pero nung nalaman ko 'yon lahat, hindi pa ako agad tumigil. ako 'yong nagmakaawa sa kanya, ako 'yong nanuyo. ang tanga ko 'di ba? hanggang sa napagod na lang ako, at ako na mismo ang nakipag break sa kanya, hindi siya pumayag no'n pero considered ko na 'yon na wala na kami at kinalimutan ko na siya. hindi ko siya kinakausap kahit chinachat niya ako.

"glee, i'm sorry.."

bumuntong-hininga ako. "i forgive you, but please, patawarin mo na rin ang sarili mo para makalaya na tayo sa nakaraan. tapos na, chanyeol, nangyare na 'yon at wala na tayong magagawa kaya please just do me a favor and let's forget everything? maging masaya na tayo." i gave him a smile before i finally walked away.

papasok na sana ako ulit sa loob nang makita ko si sehun malapit sa pinto. i stared at him, at nakatitig rin siya sa'kin. hindi ko mabasa ang mga mata niya. lumapit ako at nginitian siya.

"it was all an act, right? ginawa mo 'yon lahat para kay chanyeol, 'no?" i tried my best to not tear up kahit alam kong papatak na yung mga luha ko. sobrang nasasaktan ako ngayon.

tumango siya kaya natawa ako ng mapait. of all people, ba't ikaw pa?

"pati ba naman ikaw, sehun?" hindi ko na napigilan, kumawala na ang mga luha sa mata ko. nakatitig lang siya sa mga mata ko.

"i actually liked you! i really really liked you! heck i almost fell in love! pero syempre alam mo na 'yon lahat 'no? kaya naisip mong madali na ma-uto ako?"

"did i even mean anything to you, sehun?"

"you're nothing to me, glee." nadurog ang puso ko sa narinig ko. alam ko namang wala eh, pero bakit ansakit-sakit?

"eh ano 'yong kanina? ano 'yon?" pinigilan ko ang sarili ko kase alam kong muntik ko nang maitaas ang boses ko. wala na rin akong pake na umiiyak na ako ngayon sa harap niya.

"wala 'yon, glee. kalimutan mo na lahat, pinaglaruan lang kita." he said, without looking at me.

bakit ganon? ba't ang sakit-sakit? bakit ganito kasakit? bakit sobrang nadurog 'yong puso ko?

magsasalita pa sana ako pero pinili kong itikom nalang ang bibig ko at umalis nalang. dire-diretso akong pumasok sa loob at dire-diretso ring naglakad palabas ng main door, wala na akong pake kung may nakapansin sa'kin o wala, o kung tapos na ang party o hindi.

i realized i was crying while walking away. at ngayon ko lang din narealize na sobrang sakit na pala ng paa ko dahil sa heels na suot ko. hinubad ko nalang 'yon at sinubukang pumara ng taxi pero walang humihinto.

nagulat ako nang biglang may bumuhat sa'kin, magpupumiglas na sana ako nang mapagtanto ko kung sino. ano na naman 'to? bakit na naman ba?

napapikit ako. pinipigilan ang nagbabadya na namang mga luha.

"ibaba mo ako." kalmado kong sabi.

"ihahatid na kita."

"ibaba mo na nga ako, kaya ko ang sarili ko. pagtapos mong paglaruan ang damdamin ko, ito na naman ngayon? tumigil ka na, sehun."

"walang ibig sabihin 'to, glee. kalimutan mo na rin agad 'to pagkatapos. ayoko lang na may masamang mangyari sa'yo dahil 'di kakayanin ng konsensya ko. ako ang sumundo sa'yo kaya ako rin ang maghahatid sa'yo." aapila pa sana ako pero alam kong hindi rin naman ako mananalo sa kanya. ito na naman yung naramdaman ko kanina hahaha, mas pinili ko na namang hayaan munang mangyari at tsaka ko na iisipin kung masakit ba o hindi.

ibinaba niya ako sa passenger seat at nagdrive siya papunta sa bahay namin. walang kahit isang nagsalita sa aming dalawa. hanggang sa nakarating nalang sa bahay. hindi na rin ako nagpasalamat sa kanya at dire-diretso akong pumasok ng bahay, dire-diretso sa kwarto para ibuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

(end of flashback)

senpai | o.shTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon