Pangatlong kagat niya na 'to sa'kin at pakiramdam ko unti na lang mamatay na ko. Sana bago ako mamatay eh, makita ko man lang 'yung mukha ni mama , ni Marshall nila Prince at iba pa.

Kaso... malabo nang mangyari 'yun. Mukhang bago nila ako matagpuan eh, malamig na kong bangkay.

Tumigil na siya sa pag inum sa dugo ko, pakiramdam ko eh mauubos na talaga 'to.
"Hindi talaga nakakasawa ang dugo mo no! Sayang hindi ka natikman ni Marshall ang tanga niya kasi eh, pinili niya pang mag mahal kesa sa mabusog siya ." tumayo siya at inayos 'yung martilyo niya. Hindi nang magawang mangatog ng katawan ko dahil pakiramdam ko manhid na 'to.

"Hindi bali kahit hindi ka niya maabutang buhay ngayon at may memories pa naman siyang maitatago." tinaas niya muli yung video camera na hawak nya at itinapat sa akin.

"Yan! Smile ka naman Fiolee, any last words sa pinakamamahal mong si Marshall?" Tumungo lang ako, ayokong makita ako ni Marshall ng ganito baka asarin lang ako nun o kaya pagtawanan, ang hilig pa naman mangasar nun.

Siguro kung andito siya eh, sinuntok niya na 'tong lalaking nag papahirap sa'kin ngayon at pagtatawanan niya ko pero aakayin niya ko bumangon.

Kaso walang Marshall Perez ngayon sa kwarto na 'to na gagawa nun.

Wala...

Ibinaba nya ulit 'yung camera sa lamesa at itinapat sa'kin.

Humarap siya dito at kumaway sabay sabing.

"Popokpokin ko ang binti niya ng martilyo kagaya ng ginawa nila sa mama ko, manood ka ah wag kang kukurap HAHAHA" at hinigpitan niya ang kapit sa partilyo at hinataw ang tuhod ko.

"Ugh Ugh," wala na manhid na manhid na talaga ako. Naririnig ko na lang na nababali at bumabaluktot na ang mga binti ko.

Hindi pa siya nakuntento at tinanggal niya ang sapatos ko saka pinaghihigit ang nga kuko ko, bawat dugong na agos dito ay sinisiil niya ng dila niya.

"Masaya ba Fiolee? MARSHALL MASAYA BA?! Hahahaha!" Baliw na siyang tumatawa sa harap ng camera at tuwang tuwa sa mga ginagawa niya. Kung dito mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ina niya ay sige ayos lang na ako ang magbayad dito. Pero sana panginoon, wag niyong papabayaan ang mga taong mahal ko na maiiwan ko.

Halos 'di ko na alam kung anong tumatakbo sa isip ko at kung anong oras na ba? Lumipas na ba ang mga araw? O talagang patay na ko? Kasi wala na kong ibang alam kundi ang umiyak at humingi ng tulong sa taas.

Ang daya rin naman ng tadhana no, excited pa naman ako para sa seniors night namin para maisayaw si Marshall pero kamalas malasan siya pa ang hindi ko pa naisasayaw. Ang daya may pangako pa siya sa'kin.

Napangiti na lang ako sa pag-iisip na baka magalit sa'kin 'yun dahil iniwan ko siya sa party ng hindi pa siya naisasayaw. Baka lumaki ang butas ng ilong nun at humaba ang tenga hahaha ang cute talaga ni Marshall pag naiinis.

"Sige Fiolee mag pakasaya ka muna d'yan, dahil na pagod ako sayo ay kukuha lang ako ng iba pang pwedeng gamitin sa pag papahirap sayo. Gusto mo ba ng lagari?"

"Ga-gawin mo na na na-- la-lahat na ng gusto mo gag* hahaha" baka pagkabalik mo dito eh bangkay na ako.

"Osige sabi mo eh saglit ah" lumabas na siya at kinuha yung ibang gamit niya.

Tumingin ako sa kisame.

Makakasama ko na ba si papa?

MARSHALL POV

Wala hudyat-hudyat kong tinadyakan ang pintuan ng isang lumang bahay dito sa gitna ng kagubatan. Pumasok ako at hinagilap ang hayop na kumuha sa babaeng mahal ko.

Your Blood Is MineWhere stories live. Discover now