CHAPTER 65: This is Not the END

Start from the beginning
                                    

"Taenamo ka Freeman, makikitae ka na nga lang, purwesyo ka pang gago ka!" sigaw ko habang hinihimas ang gwapo kong mukha na tumama sa pader.

Narinig ko pa ang lagunos na pagbabawas niya. Naupo ako sa sofa. Mga ilang minuto pa ay lumabas na din si Freeman.

"Aaah, success!" himas ang tiyan na lumapit sa'kin ang ugok.

"Wengya naghugas ka ba ng kamay mo?" lumayo ako ng konti sa kanya, nang umupo sya sa tabi ko..

"Mabango ang avocado di ba? Yun din ang nilabas ko kaya ibig sabihin mabango din ang---taena" di na nya natuloy ang sasabihin nya ng batuhan ko sya ng sapatos.

Tumayo na ako, para makapag-shower at makapag pahinga.

"Gwapo ako, araw-araw." napalingon ako kay Freeman.

"Gago! May kape ako dyan, magkape ka muna, para kabahan ka naman sa sinasabi mo." sabi ko at tuluyan ng pumasok sa kwarto ko.

"Sus! Inggit ka lang Sunog." narinig ko pang sabi nya.

Tumuloy ako sa shower room. At habang nasa ilalim ako ng shower, di ko mapigilan ang di mag emote. Ang bilis ng panahon wengya, parang kailan lang punong puno pa kami ng kalokohan, pero ngayon, may asawa na ang isa samin, at di magtatagal, susunod na di ang ibang Jaguars.

Bago pa ako, umatungal dito, e tinapos ko na ang pagligo. Pagkatapos kong magbihis, lumabas ako ng kwarto ko para lang magulat.

Napatakip ako sa dibdib, nakaboxer short lang ako at walang pang itaas.

"Tangina anong ginagawa nyo dito sa unit ko?"

"Langya, meron din kami nyan Burns, kala mo naman kukunin namin 'yang abs mo." sabi ni Turner at naupo.

Oo nandito ang Jaguars sa unit ko, and guess what may dala silang alak.

Ngayon ko lang napansin na ang iba sa kanila, nakaboxer lang din at white tshirt, mukang kinatok lang sila ni Miller sa mga unit nila.

Lumapit ako sa kanila at naupo na din.

"Dela Cruz, bakit ka nandito? Sinong kasama ni Greshel sa unit nyo?" tanong ko sabay kuha ng can beer.

"Pinalayas nga ako ng dalawa, nandun kasi yung babae ni Turner, may gagawin daw silang project at ayaw daw nila ng asungot." reklamo ni Dela Cruz.

"Tss, naumay na sa pag mumukha mo."agad na pang-aasar ni Turner.

"Wow ha, hiyang hiya ako sa di pagpansin ni Mychiel sayo" sagot naman ni Dela Cruz.

"Anong meron bakit may painum ka, Miller?" tanong ko naman kay Miller at hinayaan magbangayan ang dalawa.

"Wala naman, nakakamiss lang makipag-inuman sa inyo." sagot ni Miller, mukhang di lang ako ang tinamaan ng pagiging emo ngayon.

"Ge' banat na." sabi naman ni Spencer at inumpisahan ang pa- inom. Ayokong magkwento tungkol sa pinagdadaanan ng taong 'yan, hintayin nyo na lang yung oras na sya ang magkwento sa inyo.

Napatingin kaming lahat kay Howard, nilalatantakan nya yung pulutan.

"Hoy Howard, hindi 'to picnic, ito ay inuman, taena wag mong kalungin 'yan." sabi ni Gray sabay agaw ng pulutan kay Howard.

"Teka nasan pala si Young?" tanong ko ng mapansin na wala si Bata.

"Di ko na dinaanan, alam nyo naman 'yon, ayaw alisin ang mga mata kay Freya." sagot ni Miller. Napatango na lang ako, kung sabagay ang hirap kasi ng sitwasyon nila, alam namin na nag iingat lang si Young, kahit maloko din ang taong yun, alam namin ang nararamdaman nyang takot.

Kiss Back And You're Mine (PUBLISHED under PSICOM)Where stories live. Discover now