"Faster khanz---shit!"-panggagaya pa ni morreth sa boses ko kaya lalo silang nagtawanan dahil sa ungol niya.

Napalunok ako. Nag 'shit' ako kanina nung umungol ako! Aish! Ano kayang iniisip ni khanz ngayon? Ano na lang tumatakbo sa isipan niya?!

"W-wala naman talagang nangyari samin eh!"-depensa ko pero sabay lang nila akong tinaasan ng kilay.

"Sinong niloko mo? We have evidence..."-ngising binaba nila ang leegan ng damit ko kaya tumambad sa kanila ang mga namumulang marka sa dibdib ko!

O_____O

Nanlaki ang mata ko sa gulat at mabilis na tumayo. Namumula na ang pisngi ko habang sila ay tatawa-tawa! Shit! Bakit hindi ko napansin yun? Naalala ko pala ang ginawa niya sa akin kanina! Aish! Lalo akong nahiya sa tatlo. Akala nila siguro may nangyari talaga pero hindi naman natuloy.

"Girls, ano bang nakakatawa? Kanina pa kayo."-reklamo nila zad sa kabilang upuan. Lalo akong namula ng magtama ang paningin namin ni khanz at dahil napansin yun nung tatlong kasama ko lalo silang nagtawanan.

"Hay naku, sana all!"-malakas na pagpaparinig ni norine na sinabayan pa nung dalawa dahilan para magtaka silang lahat.

Napanguso na lang ako at saka nagpaalam kina mommy na pupunta muna ako sa hotel para mag cr kahit hindi naman totoo. Gusto ko lang lumayo dahil paniguradong hindi sila matatapos sa pang aasar sa akin. Ako na nga ang nahihiya sa mga kasama namin dahil sa tawa nung tatlo. Akala mo, nanalo sila sa lotto sa sobrang tuwa. Mga bwisit na yun!

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil nakalayo na ako sa kanila. Akmang papasok na sana ako sa hotel para magpalit ng damit ng bigla na lang may humila sa akin at dahil sa gulat ko hindi ko namalayang hinihila na ako ng taong yun!

"T-teka! S-sino ka? Anong kailangan mo sa akin?"-tanong ko habang pilit na nagpupumiglas dahil papalayo na kami sa cottage na nanggalingan ko.

Tuluyan na akong nakaramdam ng kaba dahil sa sobrang bilis ng paglalakad ng lalakeng may hawak sa akin. Hindi ko siya kilala kaya lalo akong nakaramdam ng takot at pangamba.

"Shit! Bitawan mo ako!!! Khanz! Khanz! Tulong!!"-tuluyan na akong sumigaw dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak nung lalake sa pulsuhan ko. Halos kaladkarin na niya ako sa sobrang pagpapanic ko.

Nakadating agad kami sa pangpang at may isang malaking speed boat na naghihintay doon. May nakasakay na dalawang lalakeng armado. Kapwa may hawak na baril.

Nanlaki ang mata ko sa gulat ng halos itulak ako ng lalake papasakay dun at ng pinaandar na nila yun lalo akong kinabahan.

"Sino kayo?! Pakawalan niyo ako! Saan niyo ako dadalhin?!"-sigaw ko sa kanila pero nginisihan lang nila ako kaya nangiligid ang luha sa aking mata.

Ito na ba ang kinakatakutan ko?

"Malalaman mo lang ang sagot kapag nakaharap mo na si boss..."-mala demonyo nila akong nginisihan na naging dahilan ng paglukob ng kaba sa dibdib ko.

Hindi...

**

"Umamin ka nga lacuesta! Anong nangyari sa inyo ni ahli sa isla at bakit inaasar nung mga yun si ahli?"-kunot noong nilapitan ako ng gagong zad na para bang tatay kung magtanong. Tss. Kinginang to, napakamausisa.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon