Chapter 10

47 2 1
                                    

Chapter 10: Revelation

Dinilat ko ang mata ko at dumilim muna yung paligid ko dahil hindi pa ako sanay sa nakikita ko at mabilisan din namang luminaw. Iginala ko ang paningin ko at nandito ako ngayon sa abandonadong lugar. Alam kong kinidnap ako at sigurado ako doon. At nung iginala ko pa ang paningin ko ay may nakita akong isang babaeng nakatali sa upuan. Tinakpan din ang bibig niya gamit ang panyo. At tinuon ko doon ang pansin ko at nasisiguro kong kilala ko siya... walang iba kundi si mom.

"Hmm!!! hmm!!!" pag-ungol ko.

At nagulat na lang ako dahil sa nakikita ko. May pumasok na lalaki sa pintuan at siya ay si Jared Villacosta... ang president sa section namin. Siya ang JV na nagbigay sa'kin ng burger sakin. Bakit hindi ko agad nalaman. Lumapit siya sakin at tinanggal ang nakatakip sa bibig ko. Binigyan ko siya ng nakakaawang tingin at sinasabing ... bakit mo 'to sakin ginawa?

"I know what your thinking at sasabihin ko sayo kung bakit ko 'to ginawa" usal niya at saka ulit nagpatuloy. "Alam mo naman ang Phantom Organization diba ay ang intensyon nilang gawin sa iyo ay patayin ka. At ako ay nakababatang kapatid ni Mikaela Shan... ang leader ng Phantom Organization."

"Ibig bang sabihin iyon na kasama ka rin sa papatay sakin?" biglang tanong ko sa kanya.

"That's a very good question 'babe' and the answer is 'NO'" pagbibirong sagot niya.

"Hindi ko maintindihan? Pwede mo bang ipaliwanag sa akin ngayon din!!" pasigaw ko sabi sa kanya.

"Sige 'babe ko'. Ang Phantom Organization ay hawak ng ate ko at kasama niyang namamahala doon ay si Mike Austen Vellas- ang anak ng kapatid mo sa hinaharap. Ang mga kasama nila doon ay sina Jenny Sabrina, Kiefer Ranzom, Jewel Laine Montecruz at si Jemuel Laine Montecruz. Hindi kami ang gustong pumatay sayo at ang gustong pumatay sayo ay ang Critisis Association."mahabang paliwanag niya.

"Critisis Association? Sabi sa'kin ni Danwell Vellas ay Phantom Organization ang gustong pumatay sa'kin?" tanong ko ulit sa kanya.

" Ang kapatid mo sa hinaharap ay hawak ng Critisis Association at isa siya sa mga leader."

" Wait, naguguluhan pa rin ako eh. Kung isa siya sa mga Critisis Association ay bakit siya nila hawak?"  naguguluhang tanong ko.

" Uhmm?! Dahil nagbago na siya. Itinatama niya na ang kanyang pagkakamali ngayon maging sa hinaharap."

" It means na masama siya dati at naging mabait na yung kapatid ko sa hinaharap?"

" Oo, at ipinagpapasalamat ko ang nangyari 3 years ago."

"Ahh okay. Alam ko naman na mabait ang kapatid kong 'yon sa hinaharap."

"Pero kailangan mo pa ring mag-ingat."

"Oo at salamat sa pag-alala"

Nung natapos na kaming mag-usap ay pinalaya ko na si mommy at umuwi na kami sa bahay.

--

"Mom!! I thought that you're dead." sabi ko kay mommy. Kanina ay hindi kami nakapag-usap kaya dito ko na siya kakausapin.

"I'm alive now. Excuse me" sabi ni mommy sa'kin dahil nakaharang ako sa daraanan niya. Umusod ako ng unti para makadaan na siya.

Nung nakadaan na si mommy ay dumeretso siya sa kwarto niya. Naninibago ako ngayon kay mommy, dati kasi ay sasalubungin niya ako ng yakap ngunit hindi nangyari iyon. Pumunta na muna ako sa kwarto ni Denzell para sabihin ko ang magandang balita na buhay na si mommy.

*tok*

*tok*

*tok*

"Who's that?" tanong ni Denzell.

"I'm Ysabella." sabi ko.

Binuksan niya ang pintuan at inihanda ko na ang aking sarili.

"Denzell!!" tawag ko sa kanya.

"Why?" tanong niya sa'kin.

"I have a good news!"

"What?"

"Mom is alive!!" masigla kong sabi sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 21, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Discord Of Affection (A Dark From Light #4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon