Huntress Santilian

616 6 0
                                    

Huntress Briana Santilian

Padabog na ibinaba ni Crisostomo Santilian ang hawak na dyaryo at tinapunan ng tingin ang anak niyang si Huntress. Kasalukuyan itong nakaupo sa sofa at prenteng umiinom ng tsaa. Para bang wala lang sa dalaga na pinag-u-usapan na siya ng buong Pilipinas.

“What the hell are you doing in your life, Huntress Briana!” Singhal nang matanda.

Huminga muna nang malalim si Huntress saka muling sumimsim ng tsaa.

“Pa, that’s just a bluff. Do you expect me to---” hindi na naituloy ni Huntress ang sasabihin dahil malakas na isinampal sa kanya ng ama ang envelope.

Nalaglag ang laman noon at sumabog ang litrato nila ni Caleb.

“What’s this, Huntress?” Nagtagis ang bagang ng kanyang ama.

“P-Pa. . .”

“I’m so disapointed. Pumatol ka sa taong may asawa’t anak? Hindi mo na ako inisip!”

Kitang-kita ni Huntress ang pagkuyom ng palad ng ama. Halata sa mukha nito ang pagkadisgusto.

“From now on, I will freeze all your credit cards, kukunin ko ang ATM mo, kotse at condo. Titira ka sa Tierra del Sol! Hindi ka babalik dito hangga’t hindi ka nagtatanda!”

“Pa! You can’t do this to me!” aniya saka tumayo at lumapit sa ama.

“I can and I will!”

Unti-unting tumulo ang luha sa mga mata ng dalagang si Huntress. Hindi iyon puwedeng gawin ng kanyang ama sa kanya. Her ATM and credit cards is her life. Paano na ang kapritsuhan niya? Ang daily routine niya sa salon? Wala siyang pambili ng mga skin care routine niya! Bukod pa r’on sa probinsya siya ipapatapon ng ama? That’s very very harsh!

“Pa, please, don’t do this to me,” pagmamakaawa niya sa ama. Ngunit wala na itong panahon para makinig. Mabilis itong tumayo at pinalis ang kanyang kamay.

“Pack your things, ipapahatid kita kay Alfredo mamayang gabi.”

Damn! Ayoko sa probinsya!

NOTE: Hi! Huntress is Hunter's sister. I will be writing her story one of this days. Plano kong isulat muna ang Santilian siblings next year. So, sana suportahan nyo ako.

At para mabasa ang ilang chapters ng story ni Hunter. Punta lang kayo sa Dreame. Nasa about me ko po ang link ng profile ko. Thank ypu, dears! ❤

Loving Hunter SantilianTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon