Entry one

63 3 5
                                    

Mahirap mabuhay..

Sa bilyong bilyong tao sa mundong ito. Iilan lamang ang makakapag sabi na hindi sila naghihirap.

kahit nga mayayaman may mga pinagkaka utangan.

Kaya kung gusto mong mabuhay. Dapat maging matapang at matatag ka sa bawat hamon at pagsubok sa buhay.

pero sa mga taong duwag at walang lakas ng loob.

Pagpapakamatay ang ginagawang sulosyon sa problema.

SULOSYON??

Kalokohan!.

Napaka mahal ng kabaong. Gagastos pa sa burol at libingan.

Kawawa naman ang mga mahal sa buhay na maiiwan kung magpapakamatay ka lang.

kaya nga. Patibayan lang ng loob yan. At patigasan ng sikmura.

Hindi bale na na isang beses ka lang sa isang araw kung maka kain. Basta marangal na paraan mo itinataguyod ang iyong pamilya.

Ang buhay ko ngayon ay umiikot sa Trabaho..

Pamilya..

At pag aaral.

LOVE LIFE?

pffft..

Wala akong panahon jan!

Masyado akong problemado kung paano ko itatawid ang pang araw araw na gastusin sa bahay.

Àyaw ko nang dagdagan ang problema na iyon.

Saka.. tama na yung isang beses na akong nagpaka tanga sa pagibig na iyan.

Pasalamat nalang ako at maaga akong natauhan bago pa mahuli ang lahat.

kung may darating man na lalaki sa buhay ko..

Hiling ko lang kay papa God na

Sya yung taong mamahalin ako ng buong puso.

At matatanggap ako. At ang pamilya ko.

i want someone who will save me from this scum. And take me to his castle.

With his white horse.

Pero pang fairy tale lang yun.

Kaya nga sabi ko diba?

Wala akong panahon sa love na yan. Kasi ng imposible.

Pang fairytale nalang ang perfect prince charming .

pero lagi ko sya nakikita sa panaginip ko.

Yung hahawakan ako sa kamay ko..

at sasabihing...

"Billy.. ".

"Billy.. . I love you"

At tapos.. i kikiss ako..

5 inches..

4..

3..

At i kikiss na nya ako..

----

"Ate Billy!!!!!"

*thug*

Anak ng!! Naumpog ako sa double deck.

"Ate billy!"

"Anak ng potato chips ka yhannie!!. Kitang nanaginip. Este natutulog yung tao.!. Bakit ba?"

"Sorry ate. Kasi. Ano.. si aling toyang. Nag eeskandalo sa labas"

"Nanaman!?"

"Oo. Kinakausap nga ni papa sa labas eh"

Girl of the YearTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon