Chapter 22- 'Welcome' back

Start from the beginning
                                    

"Oo, pero nasa office pa daw 'yung mga teachers."

"Parang narinig namin, ang topic daw, tayong mga third year?" sabi nung mga classmate namin.

"Oo nga, kanina tinanong kung may ginawa daw tayong kalokohan? Napuruhan daw adviser natin eh."

I looked at Kevin and Karen. Naconfirm ang hinala namin.

"Mr Sy, Mr and Ms Henares, pinapatawag kayo sa office," sabi ng isang teacher na kumatok sa room namin.

Nagkatinginan kaming tatlo.

~•~

"Kayo ang closest friends ni Iris, hindi ba?" the Principal asked. "And it also happened na ka-close mo, Troy, si Mr Mendrez?"

I nodded.

"I was very shocked when Mr Mendrez filed a withdrawal. Dito na lumaki ang batang iyon, simula pre-school hanggang highschool, and alam niyo 'yan Ms and Mr Henarez, naging kaklase niyo siya back in elementary."

Tumango naman silang dalawa.

"Right after Mark withdrawn, kinabukasan, isa na namang letter ang naghihintay sa desk ko. This time it's from Ms Mercedes."

Tinignan ko siya, kasi hindi ko mawari kung ano ba ang ipinunta namin dito.

"We are all aware of Ms Mercedes' rank. Matalinong bata 'yun, and she quitted school to follow Mark, and yes, that is none of my business," sabi ni Principal na para bang pinangugnunahan kami.

"Malaki ang population ng school natin, but never did such thing happened, na tatlong students ang nagdrop."

"Tatlo?" I asked. "S-sino po 'yung..."

Hindi. Sabi niya babalik siya. Hindi.

"Ms Epino just filed withdrawal, and she just left before you entered this room."

"N-nakauwi na po si Iris?" tanong ni Kevin. Karen gasped and started crying.

"Yes," principal said.

I stood up and left the room, kahit di pa kami dinidismiss ng principal. She didn't called out for me, mukhang ineexpect niya.

Ice is home. Nasa Pilipinas na siya. I can see her. I want to see her.

Agad akong kinuha ang bag ko sa classroom. Ayaw pa ako palabasin ng guard kasi on-going pa ang mga klase kaso sabi ko may emergency, at nagmakaawa ako. Naawa naman yata at pinalabas ako, kahit walang permission slip mula sa principal.

Nagmamadali akong makauwi. Nandoon kaya si Ice? Sana. Gustong gusto ko na siya makita.

~•~

"Troy? Bakit ang aga mo--" tanong ni Mama.

"Ma, nakauwi na si Ice," sabi ko.

She nodded. "Naghihintay siya sa kwarto mo."

Napahinga ako ng malalim at halos madapa ako paakyat ng kwarto ko.

Pagkabukas ko ng pinto she was sitting on my bed.

"T-troy..."

"Iris."

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Sobra sobrang kalungkutan. Nandito siya sa harapan ko, pero pakiramdam ko, wala siya. Pakiramdam ko iniwanan na niya ako. Damn,  I missed this girl, so much. I want to go and hug her tight but I am frozen.

"Explain," sabi ko.

"Alin ang gusto mo malaman, Troy?"

"Lahat."

"I lied to you. Hindi talaga vacation 'yun. I'm supposed to stay there for good," sabi niya. "I'm sorry."

Sorry, the word echoed on my head.

"Supposed to?"

"Yes. Kinausap ako ni Papa nung umuwi sila. Remember? When we went to Punta Fuego? He said that doon na ako titira. I refused. Sabi niya wala akong magagawa. So I escaped from China. But I was followed, of course. He talked to the principal a while ago to file my withdrawal. Tumakas ako."

"Ano na ang plano mo ngayon?" I asked.

"Let's just go somewhere far away, Troy."

Tumigil ako. Inaaya niya ba ako magtanan? Pero hindi pwede! She's got a good future ahead of her, she can't throw that away for me. Masyado pa kaming bata. At ayokong iwan ang mga magulang ko. Alam kong sila ang haharap sa pamilya ni Iris pagnataon at.. hindi maganda ang mangyayari.

"Iris..."

"No, not like what you think, siguro isang buwan. Please. I have a plan."

"Ano?"

"We leave. 'Y-yung maid ko, she said we could stay at her place. O kaya kay Claire. Then we come back and convince them I am pregnant. Papa will have no choice."

"Pero Iris... hindi mo naman.."

"I can't lose you Troy," she closed her eyes.

Lumapit ako sa kanya at yinakap siya. She started crying. "Now I am having these crazy ideas. I'm gonna do everything, Troy. I love you that much."

I hugged her tighter. "Let's try talking to your parents. Pag wala pa rin, we'll do that crazy plan of yours."

"I'm sorry... really. For not telling you. Gusto ko maconvince si Papa na dito na lang ako, ayoko ng problemahin mo rin, but.." she hugged me tighter. "I'm sorry Troy."

Yinakap ko siya ng mahigpit. I want to tell her everything's gonna be alright, but sa ngayon, parang napakalayo namin sa 'okay'.

"Troy! Troy!" sigaw ni Mama mula sa baba. Agad kaming bumaba ni Iris.

"P-po?!" Nagpapanic ako.

"Papunta na dito ang Papa ni Iris! Umalis na kayo!"

"May contact kayo sa kanya? Alam niyo na nakauwi siya?" Hindi ito ang tamang panahon para magalit ako pero..

"Oo. Wag ka na muna magtanong! Umalis na kayo! Malilintikan ako nito sa Papa mo!"

Lumabas kami ni Ice. May dala pala siyang kotse.

Sumakay kami at siya ang nagdrive. Hindi pa naman ako masyado marunong eh. Pagtingin namin sa likod, may dalawang itim na kotse na ang nakasunod. Humarurot si Ice. Nakarating kami sa mainroad. Sobrang bilis ng pagmamaneho ni Ice. Medyo nawala na ung Papa niya na nakasunod sa amin. Unti unting umulan kaya't mas nahirapan si Ice. Madulas pa ang kalsada. Lalong bumilis ang takbo ng kotse namin ng makita namin na nasa likod na namin ang Papa niya.

Masyado nang mabilis ang takbo ng kotse.. maulan, madulas ang kalsada. Tuluyan na siya nawalan ng kontrol. Bigla siyang nagpreno. Tumama ang ulo ko kung saan at biglang nagdilim ang paligid.

The Coldest IceWhere stories live. Discover now