Bukod sa magagaling sila maglaro, may mga itsura din sila at sa pagkakaalam ko galing sila sa mararangyang pamilya kaya hindi pa man din sila basketball players ay mga sikat na sila.

Gayunpaman, hindi naman sila ang dahilan kung bakit ako nanonood ng mga laro ng basketball.

"Yabang ah." Rinig kong bulong ni Nel.

Nahahawi kasi nilang tatlo ang tao habang naglalakad sila at mistulang wala silang pakialam kahit alam nilang lahat ng atensyon ng tao ay nasa kanila.

Kung ako nasa kalagayan nila, maiilang na ako't hahayaan ko na lang ang sarili kong mapabilang sa madaming tao.

Patuloy pa din sila sa paglalakad at si Iana ay patuloy pa din sa pagwawala sa kilig dahil sa crush niyang si Gregory hanggang sa nakaabot na sila sa gawi namin nang harangin sila ni Nel.

Nalula kaagad ako sa katangkaran nilang tatlo pero iba si Nel, para siyang si David na nakikipagengkwentro sa tatlong Goliath.

Humalukipkip itong dalaga, "Excuse me? Sinong may sabing pwede kayong makalusot sa amin? Sa pagkakaalam ko kasi pumila kami dito, nakipagsiksikan at naghintay tapos kayo maglalakad lang ng ganon ganon lang? Unfair yata? Saka hindi naman kayo taga-Brookside, wala kayo sa teritoryo niyo para mag-angas."

Lumapit naman sa kaniya si Iana at hinila na siya pabalik, "Ghorl, ikaw yata kailangan huminahon."

"Nasaan ang hustisya?" Sambit nito kay Iana pero sapat 'yon para marinig ng ibang estudyante na ngayo'y nagrereklamo na din at sumasang-ayon sa pinaglalaban ni Nel.

Inilagay ni Iana ang kaniyang palad sa dibdib ni Nel sabay paalala, "Iyong puso mo!"

"Sorry, Miss, but we just want to help our friend to find her schedule and block . That's all."

"Damn, Gregory! That voice!!" Pagfafangirl ni Iana sa gilid sabay kagat-kagat ang hinlalaki niya't nagsimula nanaman sa pagtalon-talon.

"Sshh!" Pagsuway ni Nel sa kaibigan niya, "Bakit hindi siya papilahin niyo?"

"She has asthma for pete's sake." Tugon nitong si Andre na halatang nauubusan na ng pasensya.

Walang talab ang dahilan nitong si Andre kay Nel bagkus nagpatigasan lang sila sa pamamagitan ng titigan habang itong si Iana ay tagong nakikipagkawayan kay Gregory.

Napangiti si Gregory at mukhang nakaisip ng ideya, "Okay, let's make a deal. I will date your friend if you let us through."

"What the heck, Greg!" Natatawang reaksyon ni Andre sabay nagpakawala ng mahinang suntok sa dibdib nitong si Gregory.

Sinilip ko kung nasaan si Denzo dahil wala man lang siyang ambag sa pakikipagtalo kay Nel at nagtaka ako dahil wala na siya sa likuran ng dalawa. Hinanap ko kaagad ito at nakitang naglalakad na ito papunta sa harap ng bulletin board.

Ang kilos at galaw niya ay tila bang walang nangyayaring alitan sa paligid niya.

Ang dalawang kamay niya pa ay nakapasok sa kaniyang mga bulsa, hindi pinapansin ang mga babaeng nadadaanan niya na kinukuhanan siya ng letrato at tumitili.

Hindi ko na inabangan ang susunod na pangyayari kila Iana sa halip sinundan ko na lang itong si Denzo.

Ewan ko din kung bakit pero kusa na lang ang paa ko ang nagtulak sa akin.

Found You InsteadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon