"Masakit pa din ba?" Pang-aasar niya kay Nel na mas lalong kinainis ng dalawa.

Tumingin sa akin si Primo sabay kumindat, "Bago ka sa Brookside? Ano name mo?"

Nang bitawan ni Primo ang tanong na 'yon sa akin, magkasabay nagreact si Iana at Nel.

Agad nilang tinaboy si Primo kaya naman naglakad na 'to papalayo pero patuloy pa din ito sa pamimigay ng flyers.

Tinanaw ko siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.

"Kastress talaga lalaki na 'yon kahit kailan! Sakit sa ulo!" Buntong ni Iana habang pinupunasan ang pawis niya sa noo.

"Sinabi mo pa!" Pagsang-ayon ni Nel, "Pati talaga manloloko nag-eeffort na ngayon. Tingnan mo nagpaprint pa ng flyers para makadamoves sa mga babae."

"Sino ba 'yon?" Tanong ko.

"Council president namin noong Senior High." Halata sa mukha ni Iana ang pagkadismaya habang hinahayag ang impormasyong iyon, "At ex-fling nitong si Nel.."

Kumunot ang noo ni Nel, "Lahat naman kafling n'on."

Siniko ako sa tagiliran ni Iana at pinataas-taas pa ang kilay, "Bakit type mo?"

"Hindi." Tumawa ako sabay sagot, "May boyfriend ako.." Tumigil ng sandali, "hindi nga lang niya alam."

Nagkatinginan ang dalawa sabay tawa.

"Oy bet ko 'yang ganyang fighting spirit." Sabi naman ni Iana.

Nagbidahan lang kami buong oras ng paghihintay namin na makatungo kami sa harap ng bulletin board at pagkaraan ng isang oras tatlo na lang ang nasa harap namin at kami na ang susunod.

"Omg. Si Denzo ba 'yon?"

Napatingin ang lahat sa gawing likuran pati ako.

Tumingkayad ako para mas makita ko ang tinutukoy nila.

May tatlong binatang naglalakad sa gitna ng mga estudyante.

"Shocks, lumipat na ba sila ng school?"

"Oy 'di ba bawal outsider dito? Bakit sila nakapasok?"

"Waaah!! Anakan mo ako Gregory!!" Nagulat ako nang tumili sa likuran ko si Iana na tumatalon-talon pa.

Kinatawa naman 'yon ng karamihan na nasa paligid namin.

Nang lumingon ako kay Iana, pinipigilan na siya ni Nel na magpatuloy sa paggawa ng eksena, "Hoy, iskandalosang palaka, ihinahon mo pempem mo."

"Gregory!!" Pagtawag pa ulit nito.

Tumingin muli ako sa tatlo.

Dahil paborito ko at kinahiligan ko nang manood ng basketball games ng mga universities dito sa Carmen sa TV, kilala ko sila.

Mga top players sila ng basketball team ng Grand Oak University. Mga rookies sila last year at 'yong isa sa kanila ay naging MVP nang championship game nitong last season, si Denzo.

Found You InsteadWhere stories live. Discover now