✧ forty-six

731 48 4
                                    

S U N S H I N E

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

S U N S H I N E

Pagkatapos kong magpaalam kay kuya ay nagbihis ako para pumunta sa convenience store at bumili ng pagkain. Hindi pa pala nakakapag-grocery si mama kaya medyo poor muna kami sa foods ngayon HAHAHA.

Nag-suot ako ng simpleng shirt at short na hanggang tuhod. Gusto ko yung simple at comfy kaya ayun lang sinuot ko. Isa pa, medyo malapit lang din naman yung store.

Nang makarating ako ay kumuha na lang ako ng dalawang noodles at softdrinks. Nagke-crave ako kanina pa pero hindi naman buntis. HAHAHAH, wala ngang jowa paano mabubuntis. Relate?!

Kaagad akong pumunta sa cashier para bayaran ito pero napatingin ako sa labas at grabeng lakas ng ulan. Shet, medyo boplaks ako sa part na yun. Nabalita nga palang may bagyo ngayon nakalimutan ko pa mag-dala ng payong.

❝Miss, may payong pa kayong tinda?❞ Tanong ko dun sa cashier.

❝Hala ma'am. Sorry po, kakaubos lang po kanina eh❞ sabi niya. Napatango lang ako at ngumiti. Shet, paano ako nito uuwi. Kinuha ko yung supot na may laman na mga pinamili ko.

Lumabas lang ako at tumayo sa may bandang gate ng store. Shet naman. Mukhang malakas talaga yung ulan.

Ako lang ba? Ako lang ba yung nagagandahan sa ulan? I mean ewan ko ba, parang ang lamig at refreshing sa pakiramdam kapag umuulan kaso nakakatakot lang yung kulog at kidlat.

❝Light fury!❞ napalingon naman ako ng may sumigaw. Teka, ako ba yung tawag? Pamilyar yung boses eh.

Andito ako!❞ Napatingin ako sa tapat ko at nakita kong nakasilong siya dun sa isang remittance center. Naka-hoodie lang siya na itim at pants. Bakit ang gwapo niya lalo tignan? Naalala ko na naman yung sinabi niya kagabi tapos yung— WAAAAAAHHH! Bakit ko ba ginawa yun kagabi?

Sunshine, hibang ka na ba?! Ano bang nahithit mo at hinalikan mo 'yang buang na yan?! Huhu heeeeeelppp!

Automatiko akong napangiti nang mahagip ko kung nasan siya. Mabilis siyang tumakbo ng walang alinlangan papunta sa pwesto ko.

❝U-uyy! Bungal, b-bakit ka nagpapa-ulan? Magkakasakit ka niyan kaagad kong pinagpagan yung hoodie niya nang makarating din siya sa pwesto ko.

Naramdaman ko namang nakatitig siya sakin kaya binalik ko rin ang tingin ko sa kanya at nakita siyang nakangiti habang titig na titig sa akin. Taena mo, Yohanne Choi! Wag mo kong tignan ng ganyan huhu

Myghad! Grabe yung tibok ng puso ko. Para akong kinakabahan na ewan. Nahihiya talaga ako dun sa ginawa ko kagabi huhu

❝B-bakit ka pala andito?❞ Pag-basag ko sa katahimikan at umiwas ng tingin habang pinapagpagan yung hoodie niya.

❝Wala lang, kumain lang ako dun sa may park❞ sabi niya. Napanguso naman ako.


❝Di nang-aaya. Kanina pa nga akong gutom dito eh❞ kunwaring nagtatampo na sabi ko. Tinawanan niya lang ako.

❝Sorry na light fury, sa susunod isasama na kita napangiti na lang ako sa sinabi niya.

❝Ikaw? Bakit ka andito?❞ Itinaas ko namang yung mga pinamili ko.

Nagugutom ako❞ sabi ko at ngumuso ulit.

Halika, iuuwi na kita sabi niya.

❝Eh? Umuulan pa❞ malungkot na sabi ko. Paano naman kami uuwi kung ganito kalakas yung ulan.

Nagulat ako nang hubarin niya yung hoodie na suot niya. Naka-gray pala siyang damit sa loob ng hoodie niya. Akala ko naman... Ahhh! Nevermind!

❝Hala, wag naaa. Dito na lang ako hihintayin ko na lang 'tong ulan. Magkakasakit ka pa eh❞ sabi ko at binalik yung hoodie.

❝It's okay, Sunshine. Konting lakad lang naman yung bahay ko sa inyo eh. Saka hindi ako mapapanatag kung iiwan kita dito❞ sabi niya. Wala na rin akong nagawa kundi isuot ito at sumabay sa kanya na maglakad kahit sobrang lakas ng ulan.

Naka-akbay lang siya sa akin habang pilit tinatakpan yung ulo ko kahit na may hood na naka-patong. Help, para akong maso-suffocate. Ang lapit niya masyado huhu

Ilang saglit ng paglalakad ay nakarating kami sa tapat ng bahay.

❝Y-yohanne, thank you❞ sabi ko at ngumiti. Naaawa ako sa kanya dahil basang basa na yung damit niya tapos.. tapos bakat pa yung ano.. yung abs niya

❝Welcome baby. Pasok ka na. Magpalit ka kaagad ng damit para hindi ka magkasakit napakagat lang ako ng labi dahil sa mga iniisip ko. Jusmiyo ka, Sunshine Hwaaang!

Ingat ka, Yohanne. Magpalit ka din ha?❞ Sabi ko.


❝Opo light fury. Thank you❞ sabi niya at mabilis na hinalikan yung pisngi ko.

Aba't!

Aangal pa sana ako pero tumakbo na siya agad habang nakangiti.

❝See you soon!❞ Sigaw niya bago tuluyang mag-laho sa paningin ko.

Napahawak ako sa pisngi kong hinalikan niya at napangiti.

T-talaga bang... Gusto ko na rin siya?

TO BE CONTINUED..

❛Clown❜┇C.YJ x H.YJ✔️Where stories live. Discover now