✧ thirty-two

747 52 11
                                    

Y O H A N N E

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Y O H A N N E

Pagkachat sakin ni Sunshine na pumunta ako sa park ay agad akong nag-bihis para samahan siya. Grabe pala yung pinagdadaanan niya. Kaya pala ganun na lang yung lungkot sa mukha niya nung niyakap niya ako noon sa fountain.

Una yung sa parents niya. Nalaman kong nambabae pala yung papa niya kaya halos wala ng oras sa kanila yung mama niya dahil nilulunod yung sarili sa trabaho. I salute her mother tho.

Tapos pangalawa yung kay Christian. Kung hindi ba naman kase gago yun. Naiinis ako sa kanya. Sinaktan niya si Sunshine akala mo kung sinong gwapo eh mas gwapo naman ako sa kanya tsk.

Tapos ngayon naman yung sa kuya niya. Compared to us na boys, marami talagang babae na mahina yung emotional nila kaya hindi nila nahahandle ng maayos yung problema nila ng hindi umiiyak. I don't know why other boys find them 'Madrama' when it is their way to let out their anger and pain.

Yohanne! Sorry ah, pinaghintay ba kita?❞ I smiled nung nakita ko agad siya.

❝No it's okay, Sunshine. I can wait❞ sabi ko. I smiled at her and patted her head.

Kamusta na kayo ng kuya mo?❞ Mahina na tanong ko dahil alam kong masasaktan siya.

She sighed bago ako sagutin.

❝Eto, hindi parin ako pinapansin nakita ko namang lumungkot yung mata at mukha niya. Naaawa ako para sa kanya.

❝Tara, upo tayo dun❞ sabi ko at hinila siya sa may bench. Pasalamat na lang talaga at wala masyadong tao ngayon kaya pwede siyang mag-open up sa akin.

Nagtampo lang yung kuya mo❞ pampalubag-loob kong sabi sa kanya. Ibang Sunshine kase yung nakikita ko ngayon.

❝Hindi ako sanay sa kanya, Yohanne sabi niya at tuluyang bumigay ang boses niya.

Narinig ko pa lang yung boses niya ay hinila ko agad siya at niyakap.

Andami-dami ko na ngang iniisip tapos dadagdag pa yun. Kasalanan ko naman kase eh❞ I gently patted her shoulder at ipinatong ang mukha ko sa ulo niya.

❝It's not your fault, light fury. Wala kang kasalanan. Alam kong mahal ka lang ng kuya mo kaya masyado siyang nasaktan na hindi mo inopen sa kanya yung about kay Christian❞ ani ko habang niyayakap parin siya.

Here we go again. My heart started to beat irregularly. Hindi ko alam, sa t'wing kasama ko siya, palaging ganito. I think it's really impossible, kakakilala lang namin oh.

❝I know you are strong, Sunshine. Malalampasan mo din yan. About your father, wag kang magtatanim ng sama ng loob sa kanya. He's your father afterall sabi ko sa kanya. Hindi siya nagsalita at nanatiling humihikbi.

❝About Christian, sinabi mong ni-let go mo siya kaya panindigan mo. Don't ever show him na kawawa ka. You are Sunshine Hwang, you are a strong woman. Kaya nga bilib ako sayo eh. 'Yang feelings mo, parang problema lang yan, darating tapos biglang mawawala

❝About your brother, gaya nung sabi ko sa nung vc natin, I'm sure mahal ka lang niya. Hindi ka rin matitiis nun. Masyado lang siyang nag-alala para sayo❞ sabi ko.

❝Thank you so much, Yohanne. Hindi mo alam kung gaano mo napagaan yung loob ko❞ sabi niya sabay bitaw sa yakap namin.

Kaya ako nakipag-kaibigan sayo una pa lang. I wanted you to be happy. Nalulungkot ako kapag nakakakita ako ng malungkot. And now that you've been part of my life, gusto kong masaya ka❞ sabi ko at ngumiti. Hindi ko alam kung saang lupalop ng utak ko nahalungkat 'tong mga sinasabi ko.

❝Don't worry too much. Magiging okay din ang lahat❞

❝I am very happy na nakilala kita

Hindi ako alam pero napangiti ako sa oras na yun. Iba, iba yung pakiramdam eh.

Bakit ganun?

TO BE CONTINUED..

❛Clown❜┇C.YJ x H.YJ✔️Where stories live. Discover now