"Natakot lang naman ako eh! Takot na takot." Mas hinigpitan pa ni Bryle yung yakap niya sakin.

Hinalikan niya ko sa noo nung mahimasmasan ako. Mahapdi na rin yung mga mata ko kakaiyak. Hinarap ko ulit yung mga classmates namin na naka-form ng line.

Nakita ko si Annie sa bandang gitna at kinawayan niya ko.

May inabot sakin si Bryle na stufftoy na baboy, color pink. Tapus may ribbon na fucshia pink.

"Happy monthsary."

"Thank you! Happy monthsary din."

"May ibibigay ako sa'yo mamaya. Pero nasa bahay pa. Okay lang ba na pumunta ka dun? Kahit na kasama si Mang Edgar. Mas okay."

"Sige. Ipapakilala mo na ba ko sa mama mo?"

"Hmm, baka hindi na muna. Lumuwas ulit siya kanina eh. Medyo napapadalas na nga eh."

"Okay lang. Marami pang next time."

Naging masaya kami ni Bryle, kahit sa klase panay ang kulitan namin kahit na may teacher, pero syempre hindi kami nagpapahalata. Pero sa kasawiang palad, napalabas kaming dalawa dahil kinukulit ako ni Bryle. Panay ang kalabit niya sa tagiliran ko eh, may kiliti ako. Napansin ni Sir Javier yun kaya pinalabas kaming dalawa, at pinatayo lang kami sa my bintana, dapat daw hindi maaalis yung likod namin sa pagkakasandal sa bintana at hanggang sa labas nagkukulitan kami. Kada nga may tinatanong si Sir Javier tungkol sa topic nag uunahan kami ni Bryle, at kung sinong mauna at tama ang sagot pipitikin sa kamay yung matatalo.

Pero syempre, walang lamang saming dalawa. Dahil salitan lang naman kami sa pag sagot.

Nung lunch break na, pagka-open ko ng binaon niyang pagkain para samin, naka-form ng heart yung slices ng hotdog sa may rice. Nagluto din siya ng lumpiang toge at adobong sitaw.

"Bryle! Naniniwala ka ba sa forever?"

"Hmm, oo. Bakit mo natanong."

"Wala naman. Marami kasing ibang tao na hindi naniniwala sa forever."

"Iba iba naman kasi ang paniniwala ng mga tao. Pero kasi, iba yung definition ko sa forever."

"Eh ano pala?"

"Para sakin, ang ibig sabihin ng salitang forever... ikaw at ako. Ayun, kain ka na."

Nginitian ko si Bryle at marahang kinurot yung pisngi niya.

Nung uwian na, nagpahatid kami ni Bryle sa bahay nila. 

"Manong Edgar! Sandali lang po ah. May ibibigay lang ako kay Zeria. Halika na Zeze."

Bumaba kami at dumiretso sa likuran ng bahay nila Bryle. Naupo ako sa may duyan habang hinihintay si Bryle, pumasok kasi sila sa loob ng bahay nila.

Paglabas ni Bryle may dala dala siyang bayong na color pink at may ribbon din na pink sa may hawakan.

Iniabot niya sakin yung bayong. "Eto talaga yung pinaka gift ko sa'yo. Ingatan mo yan ah! Alagaan mo."

Pagka-open ko ng bayong bumungad sakin ang isang piglet o biik na may pink din na ribbon.

"Bryleee! Ang cute cute!!" Medyo maliit pa lng kasi yung biik. Kasing laki lang ng almost one month old na puppy.

Kinuha ko yun sa bayong at niyakap.

"Hi piggy oink! Anong ipapangalan natin sa kanya Bryle?"

"Ikaw na yung bahala kung anong gusto mong ipangalan sa kanya."

"Anong kinakain niya?"

"Bigyan mo muna ng gatas. Tapus mga gulay. Iba kasi yung pagkain ng mga alaga kong bentahin eh. Feeds talaga ng baboy. Hindi mo naman siguro gugustuhin na magkaroon ng malaking baboy sa bahay niyo o sa kwarto mo."

"Thank you Bryle ah! Ah! Wait. May ibibigay din ako sa'yo. Hold this cutie patootie for a second."

Inilabas ko sa bag ko yung gift ko sa kanya.

"Here's my monthsary gift for you. Pag pasensyahan mo na ah. Wala kasi akong maisip eh. Mamaya mo na lang panuorin pag nakaalis ako."

"Thank you. Ano ba to?" Tinanggap ni Bryle yung cd na binigay ko sa kanya.

"State the obvious Bryle."

"I mean, anong laman?"

"Basta, panoorin mo na lang mamaya." Nag video kasi ako while singing, marami yun kinanta ko, siguro mga five songs yun. Tapus meron din akong message for him. Para pag nami-miss niya ko, pwede niya panoorin yun. Makikita na niya, maririnig pa niya yung boses ko. Wala kasi akong maisip na gift sa kanya.

"Bakit hindi na lang ngayon? Panoorin natin sabay."

"Wag na. Gusto ko mag isa mo yang papanoorin. Isa pa, excited na kaming maglaro nitong si oinky poinky."

"Ano bang ipapangalan mo sa kanya?"

"Hmm, oinky poinky na lang. Wala akong ibang maisip eh. Anyway, I have to go Bryle. Sa weekend na lang natin i-celebrate yung monthsary natin."

"Sure. Pag usapan natin mamaya pag nakauwi ka na sa inyo o kaya bukas."

"Okay. Ite-text na lang kita ha? Happy monthsary ulit. I super duper really truly love you!!" Lumapit ako sa kanya at hahalikan sana siya sa pisngi, pero naglapat ang mga labi namin. Bibitaw na sana ako, kaso hinawakan niya ko sa likod, kaya napahawak ako sa braso niya at hinawakan ng mabuti si oinky poinky, baka kasi mabitawan ko siya.

Napapikit ako dahil sa kuryenteng gumapang sa buong katawan ko nang magdikit yung lips namin. Nagsimulang gumalaw yung mga labi ni Bryle, hindi ko alam pero bahagya ko ring ibinuka yung labi ko.

Suddenly, the smooch is getting deeper. I don't know anything about kissing, pero parang familiar na ko sa ganito dahil kay Bryle. I assumed na ako din ang first kiss niya, but damn!

"Felix Bryle!!"

Then my back froze up.

(c) Eilramisu

Hi everyone!!! I just want you to know how thankful i am because you keep on reading my stories and waiting for the updates. Mwa mwa!

Follow me first on instagram @arliecious_eff

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon