2nd Plan

105K 1.2K 58
                                    

Ang sabi ni mommy, enjoy-in ko muna ang vacation. Sa May na lang daw kami mag e-enroll sa isang elite school na nakita nila. Hay! Sana naman hindi super arte ang nag aaral dun, parang B.U. lang. Mayayaman ang mga students, pero hindi pa rin maaarte. Yung simple lang.

Paglabas ko ng room ko, nakasalubong ko si mommy, na galing sa ibaba.

"Gust mo bang sumama sakin?"

"Saan ka pupunta, mommy?"

"Sa daddy mo, naiwan niya kasi yung files niya. Kaya dadalhin ko dun."

"Hmm, ikaw na lang mom. May pupuntahan pa din kasi ako eh."

"Oh, saan ang punta mo?"

"Maglalakad lakad lang mom, nabo-bored na kasi ako eh."

"Gusto mo bang isama si Yaya Jen?"

"Hmm, no mom. Diyan lang naman ako. Dadalhin ko ang phone ko, in case of emergency."

"Here..." Kumuha si mommy ng 1000 peso bill sa wallet niya at ibinigay sakin.

"Mabuti na yung meron kang pocket money. Baka may makita kang mabibilhan diyan sa madadaanan mo." Tamang tama, 100 lang ang nasa bulsa ko.

"I have to go mom, thanks. Take care." Ni-kiss ko si mommy sa cheeks.

"You too. I love you!"

"I love you too. Bye mom."

Pagkalabas ko ng bahay, tinignan ko muna yung oras sa wrist watch ko... okay, quarter to four. Nagsimula na kong maglakad lakad. Wala man lang akong nakakasalubong. Hay, kung saan saan din ako lumiliko. May ilan na kong nakakasalubong, meron na kong nakikitang mga nag ba-bike at nag ja-jogging. Pero karamihan puro may edad na. wala man lang kasing age ko. Hmp!

Napansin ko na lang na nasa may guard house na pala ko. Nandito na lang din naman ako, lumabas na lang ako ng subdivision namin. May mga ilang sasakyan na dumadaan. May nakita din akong terminal ng tricycle.

"Kuya, saan mo may malapit na mall dito?"

"Mall ba kamo? Banda dun sa silangan."

"Sige po. Pahatid po dun."

Matagal tagal din ang biyahe, super hangin na feeling ko pag labas ko dito sa tricycle, para ng kinuryente ang buhok ko. Kahit na hawak ko pa, naglilipadan pa din. Hindi naman gaanong ma-traffic. Magaganda din yung bahay na nadadaanan ko, may mga buildings din, marami ng dumadaang private vehicles.

His Wedding Planner (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon