Anniversary Special: The return of the comeback

Magsimula sa umpisa
                                    

Tumawa na lang kami. Eh ganoon eh.

Matagal na talagang naka-plano na mag-aaral kami doon. Sa dami ba naman ng issue namin dito di ba? But suddenly, hindi na daw matutuloy yun. Noon, hindi namin alam kung bakit. Then noong araw bago ang alis ni Ate Mars, in-announce na ipapa-LBC na si Ate Mars to Canada. Siya na lang daw ang mag-aaral doon kapalit naming 11. Haist, Ate Mars.

"What happened? Noong wala ako?" -Ate Mars.

"Well, pinagsakloban lang naman ng langit at lupa si Fallen." sarcastic na sagot ni Ate EL.

"Bukod don, EL." 

"Ah. Ayun, nagtuloy lang ang buhay. Kahit magkaiba na kami ng school, araw-araw pa rin kaming nagkikita. Ginagawa kasi ng boys ang lahat para magkasama-sama pa rin kami. Kaya ayun, yung iba nagkatuluyan, yung iba hindi." paliwanag niya.

"Sinong hindi nagkatuluyan?"

"Si Ate Saturn at Kuya Eclipse. Ang naka-happy ending ni Ate Saturn ay yung kaklase ko dati na si Christian. Nung college naging sila tapos ayun, nauwi sa kasalan." paliwanag ko naman.

"Eh ikaw, sino nakatuluyan mo?" O///////OTumawa naman sila sa reaksyon ko. Enebe. HAHAHA

"Wala. Wala akong nakatuluyan." tse.

Hindi na bumalik yung alaala ko. Pero sabi nila konti lang naman daw yung nawala eh, kaya okay na din siguro yun. Dun naman sa tanong ni Ate Mars, kami pa rin ni Alex pero sa tingin ko wala pa sa isip niyang magsettle-down. Oh well, di rin naman ako nagmamadali eh.

Dadating din tayo diyan. ^__^

***

Nakarating na sila sa dapat nilang puntahan.

Naabutan nilang nagtatanghalian ang lahat. Napatigil sila at parang nag-slowmo ang lahat. Dahan-dahan nilang ibinaba ang mga kinakain nila at mabilisang tumakbo papunta kay Mars.

Madaming comments na kahit si author ay hindi na maisulat. Pero sa lahat ng iyon ay isa ang nakapagpatahimik sa lahat.

"Where have you been, Mars?" Fallen said.

Tears started to form on their eyes. But instead of waiting for her answer, he run to her and kissed her.

Kissed her with longing, loneliness, hurt and most of all, love.

~~~

Matapos ang iyakan, kamustahan, at kainan ay nagsimula na nilang i-enjoy ang swimming. Kung anu-ano lang ang ginawa nila. Habulan, lunuran, sakitan, batuhan, wrestling at iba pa. Sa sobrang dami ay nang sumapit ang gabi, bagsak ang lahat.

STAR SYSTERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon