26~*

110 2 1
                                    

3RD Day of Fun Fair: Calm before the STORM??????

AJ’S P.O.V

Pumasok kami ngayong umaga para sa announcement of winners sa Best Booth at Ultimate Flashmob.

Ang dami pa palang mga best-best eh. Ngayon ko lang nalaman. O__O

Mr. Fashionable, Mr. Heart throb, Mr. Business, Mr. Taxi ?? Lol joke! Hahahaha!! XD

Mr. Hearthrob si Kuiper Astro ng S-E. Pero hindi na maiiwasan yun. Heart throb naman talaga sila dito eh. Yung ibang categories ibang level na yung nakakuha.

Sa best booth, yung booth nila Dylan na Highschool of the Dead theme. Horror house siya, ganyan lang ang trip nila. -___- Walang originality, parang si author lang. XD

“And now, for the Ultimate Flashmob Contest year 20**-20**, the winner is ….”

 

 

 

*DRUMROLL* *CROSSFINGERS* *PIKIT MATA* *LIP BITE*

 

 

 

“The Sophomore level!” Panalo kami!!! Yeheeeeeeey!!!!!

May mga umakyat na representative sa stage para kunin yung napakalaking trophy namin!! Yeeeeeeheeeeey!!! \^O^/

 

“Congratulations Sophomores! For your Special Prize, each one of you will receive a Gift Certificate and items from Lacoste and The Perfume Shop.”

Natuwa naman yung mga lalaki. Paano, sa kanila ang benefits ng prize. Che! Pero pwede na rin, maganda naman din mga damit sa Lacoste eh. Tsaka ang bango kaya ng mga pabango sa the Perfume Shop. ^__^

“Tara na mag-games!” yaya ni Sonic sa amin sabay kaladkad sa akin. Ang hyper talaga nito. Naka-Enervon ata toh eh. -___-

Kung anu-ano lang yung ginawa namin. Iba’t-ibang palaro. Pinakyaw nga namin yung prizes dun sa dart at shooting games eh. Sana hindi nalugi sla kuya sa amin. ^___^ Hahahaha!

“Pasok naman kayo sa booth namin.” –Dylan

“Tara!” –Gem

“Ayoko nga!” Ate Zan pero hiantak siya ni Ate Moon, Ate Saturn at Ate Mars habang nagpupumiglas siya with matching sipa pa. XD

We paired up. Nga lang, si Ace at Rain ang nagpair kasi tig-dalawa lang daw kada pasok sa line up.

“Kuya Ace, kakargahin mo ‘ko mamaya ah?” –Rain

“Tumigil ka nga!!” –Ace sabay tulak kay Rain palayo.

“Kuya Ace!! >__< Natatakot na ako! TT__TT” –Bigla naman yumakap si Rain sa braso ni Ace. Ang itsura ni Ace eh hindi maipinta, parang nasusuka na ewan. Ang kulit lang.

Tumatawa kaming pumasok sa Horror House gawa nung dalawa na ang haharutan pa rin. Pero the moment na dumilim na ay nagsimula na katakut-takot…. na SIGAWAN. Hatak dito, tili doon. Hampas dito, hila diyan. Hysterical lang ang peg namin eh. >__<

Nang makalabas kami ay pinagtinginan kami ng mga tao. Para kasing bumaliktad ang mundo sa itsura ng mga lalaki na kasama namin. Halos lahat sila eh mukhang ginahasa sa ayos ng damit at buhok nila. Si Pem at Phoenix naman eh wala ng ginawa kundi ang tumawa, simula pa lang ng pumasok kami. Harujusko! >__<

“Te…teka muna … TAYMPERS!!!” sabi ni Ace sabay porma sa kamay ng letter T.

“Ayoko ng dumikit kay Gemini, ang brutal niya pala. TT__TT” kawawa naman si Senior kay Gem. XD

“Para akong nakipag-buno sa toro eh. -___-“ –Alex

“A…ayoko na.” –Calix

Si Pem at Phoenix naman, ayun! Tawa pa rin ng tawa.

“Ano bang nakakatawa Pem? -___-“ tanong ko.  Sorry, chismosa lang.

“Eh kasi … nadapa si Phoenix kanina.” Tumatawang sabi ni Pem habang naka-turo kay Phoenix na tumatawa din.

“Eh paano, dumapa ka kaya kanina kasi akala mo hahatakin nung lalaki yung paa mo.”

“Eh sabi niya kasi kukunin niya daw ako.”

“Sasama ka naman?”

“Siguro!”

“Dumapa ka pa nga eh!”

“Nadapa ka naman! Hahahahahahahaha.” –Ano daw?? Anong nakakatawa doon? -___-

“AJ, samahan mo ko …. Sa CR…” –Sonic.

Hala! O___O Nasusuka na ata ‘tong isang ‘to! Kasalanan ko ba???? Hindi ko alam!!

Itinakbo ko na lang sa pinaka malapit na CR si Sonic. Agad naman siyang pumasok sa loob.

“Bilisan mo Sonic ah.” Kasalanan ko ata yun?? Anu ba yan. Ang brutal ko kasi eh.

Iniintay ko lang si Sonic sa labas ng Cr. Malamang, hindi ako pwedeng pumasok sa CR ng Boys eh! >___<

“Sa Concert of the Prince, may babagsak na Star.”

Teka, ano yun? Concert of the Prince? Mamaya yun diba? Yun yung title ng Concert mamaya para sa ending program ng Fun Fair.

May babagsak na Star?? Kami ba yun?

STAR SYSTERSWhere stories live. Discover now