13~*

206 10 0
                                    

MARS’ P.O.V

Kawawa naman si bunso. Grounded siya kasi late na umuwi kagabi. Kapag grounded pa naman kami hindi kami pumapasok kaya ayun, dakilang tambay siya sa aming mahiwagang bahay. Hay.

Andito ako ngayon sa room nakaupo lang at nagbabasa ng A Walk To Remember ni Nicholas Sparks habang si Zan naman ay ayun, natutulog sa desk niya. Lagi naman ganyan yan tuwing umaga.

May umupo sa tabi ng upuan ko. Aheeem! Dumating na po si Mr. President. What to do? Continue reading.

Di nagtagal pumasok na ang teacher namin and the class started. 

FF ~ Break !

Nagbigti, I mean nagbilin ako kay Zan na mauna na siya sa Canteen at pupunta lang ako sa Libraby. Binalik ko yung libro na binabasa ko kanina at naghanap ng iba pang libro. Nakita ko yung The Last Song ni Nicholas Sparks din at kinuha ito. Umupo ako sa isang upuan dun at nagbasa lang ng konti.

~o~ nakakabore naman. Nagugutom na ako, nakalimutan ko na yung Break.

Tumayo na ako at pumunta sa Librarian para hiramin yung libro. At dahil tapos na ang Break 10 minutes ago, sinulit ko na lang ang pagka-late ko at diniretso na sa cutting. Pumunta na lang ako sa rooftop at doon nagbasa.

Di nagtagal, habang naka-upo ako dun ay may pumatak.

 

 

 

“SHOOOOOOOT!” umulan. -____-

Tumakbo ako papunta sa pinto para sumilong pero hindi ako pumasok sa loob. Ewan ko nga kung bakit eh. Basta dun lang ako sa labas. Nakatayo lang ako dun. Biglang bumukas ang pinto at pumasok ay lumabas pala ang isang matangkad na lalaki.

 

 

“You’re cutting classes.”

“I know. Ikaw rin naman eh.”

Walang nagsasalitaaaaaaaaaaaaaaaaa. Nakakaloka ang katahimikan! Nakatayo lang kami dun habang nanunuod sa pagpatak ng ulan.

 

 

“Wala naman sa news na uulan eh. :3”–ako

“Hindi mo mapangungunahan ang mga bagay sa paligid mo. Kaya hindi ka dapat umasa sa news.”

STAR SYSTERSWhere stories live. Discover now