Chapter 1

4.6K 88 1
                                        

Chapter 1:



6 years after.



"Mommy!" sigaw ni Claire, ang pangalawa kong anak na babae habang papalapit sakin.



"Mame." mahinang bulong naman ni Jace, ang kakambal ni Claire at ang panganay ko sa kambal. Siya rin ang pinakatahimik sa kambal ko at ang manang mana sa Daddy nila. Samantalang si Claire ay nagmana sakin . Sa kalokohan at kadaldalan.



Anim na taon.



Anim na taon na rin ang nakalilipas simula nang umalis ako sa tunay kong buhay. Limang taon na rin ang nakalilipas simula nang bigyan ako ng Diyos ng pinakamagandang regalo sa buong buhay ko.



At iyon ay ang mga anak ko.



Masaya ako. Masaya ako dahil kahit may hindi pagkakaintindihan kami ng aking ex-husband ay kahit papaano ay nabigyan ako ng masayang parte. Malabo man ang pag-asang mabubuo ulit kami, dahil sa balita kong nagkatuluyan sila ng kanyang babae ay hindi ko parin ipagkakait ang karapatan nilang makilala ang isa't-isa kaya umuwi kami dito sa Pilipinas.



"Mame, kain tayo." nagising ako sa pagpapantasya nang magsalita si Jace .



Ay. Sorry anak. Mala-MMK kasi ang storya ko eh.




"Mommmy!!!!! Kamir!  Kamir! Jesh!" bulul na sigaw ni Claire habang pinaghahatak kami ni Jace sa isang all-barbie-store. Jusmeyo! Nasa mall kasi kami ngayon. At heto ang hirap magkaroon ng kambal. Yung isa nagugutom, yung isa gusto maglakwatsa. Haaay.




Habang hatak hatak kami ni Claire ay nahalata ko sa kabilang gilid na napapakamot si Jace ng ulo. Halata na kahit 5 palang sila ay binata na kung magisip ang anak ko. I am so proud. Wait? Anong sabe ko?



"Laire?!" natuod ako sa kinatatayuan ko at halos magkatumbahan na kami dahil sa paghatak ni Claire.




Mabagal ko namang nilingon ang tumawag sakin.




At hindi nga ako nagkamali.




Si Samantha.

The Billionaire's Runaway WifeWhere stories live. Discover now