Prolugue

0 0 0
                                    

"~Sleep, little baby,
The little baby doesn’t want to sleep.
The jumbie will eat her
The soucouyant will suck her blood.~"

Pagod na ko sa araw araw kong naririnig yan... Ang sakit na sa tenga at ulo. Noong una sa panaginip ko lang naririnig yan... Basta ang alam ko may babaeng buhat buhat na sanggol at malabo ang mukha nila. Yung akala ko sa panaginip lang napunta na sa totoong buhay. Naririnig ko na sya. Pero di ko nakikita. Paulit ulit yang kinakanta nya. Ang sakit na sa ulo!

Biglang tumunog ang cp ko at tinignan ko ang nag text nito

From Jamie:

Hoy babae! Ang landi mo talaga! Napaka landi mo! Plastik ka! Sana mamatay ka nalang!

Takang taka ako sa text nya sakin. Wala akong ginawa sa kanya... Sa kanila kaya bakit sya nagagalit?

Tinignan ko ang fb ko dahil may nag mention sa name ko at parami ito ng parami.

Nag post pala si Jamie na malandi daw ako at higad... Eh hindi ko nga nalalapitan yang syota nya. Binasa ko ang comments at nakita ko ang galit ng mga tao sakin.

'Napaka landi mong babae ka! Nagmamaganda ka!'

'Mang aagaw ka! Pokpok!'

'Wala kang ambag sa lipunan na to! Ang mas mabuti pa magpakamatay ka nalang!'

'Ang panget mong babae ka! Feeling mo maganda ka! Hoy! Malandi ka lang!'

"Siguro madami ka ng nabiktima?! Napaka landi mo kasi eh!'

'Magpakamatay ka nalang mas masasayahan pa kami!"

Hindi ko na kaya ang sinasabi nila tungkol sakin. Puro kasinungalingan ang lahat ng yon.

Tinapon ko ang cp ko at pumunta sa pinaka dulo ng kama ko habang yakapyakap ang tuhod ko at doon nag mukmok

"~Sleep, little baby,
The little baby doesn't want to sleep.
The jumbie will eat her
The soucouyant will suck her blood~"

Ayan nanaman sya... Nagsisimula nanaman sya

"T-tama na... Tama na!!" napasabunot na ko sa sarili ko habang umiiyak at balisang balisa na ko hanggang sa nahagip ng paningin ko ang isang cutter.

Kinuha ko ito at tinutok sa pulsuhan ko

"I... I want to die.... I want to die—"

"Psst!" napalingon ako sa paligid ko.

"S-sino ka? Sino ka?"

"Do you want to end your life darling?"

 "Y-yes... I want"

"Think of it... Imbis na patayin mo ang sarili mo bakit hindi mo nalang patayin lahat ng umapi sayo? Simulan mo nung bata ka"

"No... No... I can't"

"Yes, you can Aethel... Kapag nagpakamatay ka hindi mo magagantihan ang lahat ng umapi sayo at mas lalo ka lang mag mumukhang mahina kaya kung ako sayo... Mabuhay ka at patayin mk lahat ng umapi sayo"

"N-no"

"Yes, darling... Patayin mo sila. Patayin mo lahat ng umapi sayo... Patayin mo lahat ng ginawan ka ng masama. Patayin mo lahat ng taong sinaktan ka. And I will promise you... You will feel happy"

"R-really?"

"Yes, darling... Yes... So can you do it?"

"Yes. I will do it. I will kill them... All" bigla nalang akong napangisi "That's Aethel... Kill them in your hands... And if you need help... Just call me. I'm your fairy godmother"

"Really?" nakangiti kong sabi

"Oh, yes... But before that... Can you tell me all your secret?"




To be continue

A/N: ang song po na kinakanta nung 'Fairy Godmother' ay isang lullaby song po.

Tell Me Your SecretWhere stories live. Discover now