Lah! Tong masungit na to, tumatawa din pala. Akalain niyo yun? Akala ko, ang kaya lang niyang gawin ay umirap at magsungit.

"Parang di ka mabiro eh. Aalis na nga ako."-saad niya at saka umalis na sa kama ko. Inirapan ko na lang siya.

"Pero seryoso ate, anong gusto mong regalo? Brief o boxer? Bwahahaha!"-humagalpak na siya ng tawa ng makita ang mukha kong namumula na sa galit.

"Lumayas ka dito, totoy!"-binato ko sa kanya ang unan ko pero nakaiwas ito kaya ang natamaan ay yung cabinet ko at dahil malakas yung pagkakabato ko, nahulog ang isang maliit na karton sa taas kaya lalo akong nainis. Puno pa naman yun ng alikabok dahil matagal ko ng hindi pinapakealaman ang nandun. Aish!

Tatawa tawa pa talagang tumakbo ang loko para hindi ko na siya magantian!

"Argh! Bwisit talaga!"-padabog akong tumayo at saka niligpit ang nahulog.

Pinagpag ko ang karton na nahulog at ng mawala na ay napansin ko ang nakasulat sa bandang harapan ng box.

"Leorando Venuatura Bustamantelo"

"Paano napunta dito ang gamit ni papa?"-taka kong tanong habang pinagmamasdan ang maliit na box.

Kulay brown ito at may nakaukit pa sa baba na M.B.B.

Anong ibig sabihin nun?

Naalala kong may nakaukit ding ganun sa bigay ni papa sa aking kwintas pero iba ang naka engrave na letter. A.M.Q.

Hindi kaya may ibig sabihin ng mga Ito? At hindi lang talaga coincidence ang nakaukit sa bigay niyang kwintas ko?

Mariin akong napapikit at marahas na umiling. Ano ba tong iniisip ko? Napra-praning lang ata ako eh.

Mabilis akong nagtungo ulit sa side table ko at dahan dahang binuksan ang box. Bumungad sa akin ay mga larawan. Bakit ngayon ko lang to nakita? Wala akong naalalang ganitong gamit ni papa dati ah.

Una kong pinagmasdang larawan ay kung saan may kasama si papa na apat na lalake at isang babae. Kung hindi ako nagkakamali, si mommy aleyah ang babaeng yun. Magkatabi sila ni papa at bahagya silang nakayakap sa isa't-isa habang ang apat naman ay nasa magkabilang gilid nila. Sa tantya ko, nasa college na sila noon dito. Nakangiti silang lahat at pansin ang kasiyahan sa kanilang anim. Magkasintahan na siguro din sila papa at mommy dito.

Napansin ko namang may nakasulat sa likod ng larawan.

'1995'
'A. Organization'

Ano naman kaya ang ibig sabihin nito? Alam kaya ni mommy leyah to? Matanong ko nga kapag pumunta ako sa mansion. Nacu-curious kase ako eh. At bakit may organization?

Napansin ko naman ang pangalawang litrato. Kinuha ko yun at pinagmasdan.

Ngayon naman tatlo silang lalake. Isa na doon si papa. Naka akbay siya sa dalawang lalake at hindi ko maipagkakailang gwapo silang lahat noong kabataan nila.

Yung isang lalake ay kasama ni papa sa naunang picture na nakita ko at yung isa naman ay wala duon.

May nakasulat na naman sa likod. Walang year pero may pangalan.

'Aleho, Leo, and Valdez'

'FRIENDS'

Ibig sabihin, magkakaibigan sila ni papa. Pero ang pinagtataka ko lang parang nakita ko na tong aleho eh. Hindi ko lang maalala kung sino to. Kasama rin siya sa naunang picture na nakita ko pero yung valdez lang ang wala sa unang litrato. Bakita kaya? Anong nangyari at nawala siya sa picture na yun at bakit may nadagdagang tatlong lalake sa naunang litrato?

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon