Hakbang 54

19.7K 465 382
                                    

Nakatulog ako sa gabing iyon na masaya ngunit may luha sa mata. At nagising naman nasusuka.

Agaran ang pagtayo ko kaya bahagya pang nahilo. Binalewala ko iyon para makatakbo sa banyo at maisuka ang nararamdaman ko. Zerline was already on my side. Nagising din siya sa biglaan kong kilos at ngayon ay nag-aalalang tinitignan ako.

"Nagpacheck-up ka na ba? We should get you checked, Hash." Aniya.

Naghilamos ako nang umayos ang pakiramdam at hindi na bumabaliktad ang tyan. I sighed heavily and stared at my reflection. Namumula ang pisngi ko at medyo magulo pa ang buhok. Agad kong inayos 'yon.

"Magpapacheck up ako one of these days." Sagot ko.

Kunot ang noo ni Zerline at hindi kumbinsido sa gusto ko. Aniya'y kailangang magpacheck-up na ako. Hanggang sa nakabalik na kami sa kwarto, 'yon pa rin ang pinipilit niya.

"Hashline, may I remind you that you are not alone. There is a life inside you! And that's your child! You should take care of yourself ten times more!" Aniya.

"Oo, Zerline. Alam ko 'yan. I am taking care of myself! Normal ang pagsusuka kapag buntis ka. Don't worry too much. "

"Even so, you should get checked. Para malaman mo kung ano ang mga bawal sa'yo! I'll accompany you if you want!"

I sighed heavily. Tama naman si Zerline ngunit gusto ko sanang sabihin muna kila Mommy at Daddy ang pagbubuntis ko ngayon, saka ako magpapacheck up sa doktor.

I have to remember that I have a baby. That there is a life inside of me. That my body is not just for me, it's for the both of us. Me and my baby.

Hinaplos ko ang tyan ko at nanggilid ang luha. I don't know if it's because of me being pregnant but I am kind of emotional these days. I am overthinking everything. Sumabay pa ang mga problema sa kompanya at mga problema sa personal kong buhay, kaya hindi ko maiwasan ang maging emosyonal.

Pinunasan ko ang luha ko nang tumabi sa akin si Zerline at hawakan ang kamay ko. She's looking at me softly. Bagay na minsan ko lang makita sa mukha niya dahil natural na palaban ang pinsan.

"Hash..." Tawag niya sa akin.

Nilingon ko siya at tinitigan. She smiled at me.

"I never thought you'll be pregnant this early. I mean... you're still young. You're just half way on exploring this big world and knowing what is life. And now... you're giving life to an angel. Matindi talaga 'yang si Riordan." Tawa niya.

Natawa rin ako at mahinang hinampas ang braso niya. She wiped her own tears as she continued speaking.

"You're in the dark for a very long time... until now... but I am happy that you have your light now, and that is your baby, Hash..." Patuloy niya.

Tumango ako at pinunasan ang luha. Tama siya. Kahit kailan, ang liwanag na maibibigay nito sa akin, hindi matutumbasan ng kahit ano.

Dahil sa mga sinabing iyon ni Zerline, gumaan lalo ang loob ko. Those words is what I needed this time. This is a big blow to me. Para ngang hindi pa nagsisink-in sa 'kin na buntis ako.

At inaamin ko... natatakot ako...

I am scared because this is a big change in my life. And I will be alone facing this change. Akala ko kapag nabuntis ako, kasama ko ang lalaking mahal ko. Hindi ko alam na sa araw na malalaman kong buntis ako... ay ang araw din na maghihiwalay kami ng lalaking mahal ko.

So I am scared... but that feeling can't compare to the happiness I have right now. Masaya ako kahit may takot. Masaya akong nandito na siya.

This baby is an angel... My angel.

Still Dark, Love (Still Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon