❀ten

814 55 19
                                    

BRIX

"Briannaaa! Halika muna dito at bumili ka ng sabon diyan kila Jullien" napatigil naman ako sa pagfo-phone nang marinig ko ang pangalan ni Jullien.

"Ma!" Sigaw ko bigla.

"Jusmiyo kang bata ka. Bakit baga bigla kang sumisigaw?" Tanong ni Mama habang hawak ang dibdib niya at halatang nagulat.

"Ako na lang po bibili" sabi ko habang may malawak na ngiti.

"Oh? May sakit ka ba? Bakit ikaw ang bibili?" Tanong ni mama.

"Makikita kase si Ate Jullien sa tindahan kaya ayan" sinenyasan ko naman si Brianna na wag maingay kay mama.

"Oh siya kang bata ka, ikaw na bumili" sabi ni mama kaya naman masaya kong inabot yung pera at lumabas na para bumili.

"Pabili pooooo!!!" Hyper kong sigaw sa tindahan nila Jullien.

"Sandali aba! Maka-sigaw ka ah!" Napangiti naman ako nang makita ko agad si Jullien na pumasok sa tindahan nila.

"Anong bibilhin mo?" Walang gana niyang tanong.

"Isang sabon nga" sabi ko at ngumiti.

"Anong sabon?" Sabi niya habang nakaharap sakin.

"Safeguard" sabi ko at nangalumbaba.

"Oh" sabi niya sabay abot sakin ng sabon.

Nang maiabot niya ito sa akin ay sinadya kong abutin ang kamay niya kaya naman nanlaki ang mga mata niya at agad na tinanggal ang pagkakahawak niya.

Napatawa naman ako dahil sa reaction niya. Ang cute cute talaga.

Aalis na sana siya pero tinawag ko siya.

"Lien!" Tawag ko sa kanya kaya napaharap siya muli sakin.

"Sabon ka talaga no?" Napakunot ang noo niya sa sinabi ko.

"Huh?" Tanong niya kaya nginitian ko siya ulit

"Kase I'm SOAPer inlove with you" sabi ko at kumaripas ng takbo papaalis. Nang makapasok ako ay tinanong ako agad ni mama.

"Oh? Bat namumula 'yang mukha mo?" Tanong ni mama.

"Wala po ma haha. Akyat na po ako" sabi ko at kaagad na umakyat.

Nice one, Brix. Destiny is on your side for now.


TO BE CONTINUED...

❛Store❜┇C.BG x S.RJ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon