Kahit magkandapuyat ako, tinapos ko ang video at pinakinggan ko ‘yung buong composition. Bandang 3 AM na nu’ng inopen ko ang last video sa file. Mukha niya ang bumulaga sa screen. It appears to me na inaayos niya ‘yung camera angle bago siya lumayo. Medyo madilim at base sa time of recording, past midnight na noon.

"Nagising ako pero hindi na ako makatulog, Lucrezia. Natatakot ako sa napanaginipan ko. Nag-crash daw ‘yung eroplanong sinasakyan ko pauwing Manila! Boom!" di ko expected ‘yung sound effects na ‘yun. He continued talking. "Dalawang taon na rin simula nu’ng umalis ako at iniwan kita. Akala ko sapat na ‘yung time na ‘yun para kalimutan ka. Siguro kailangan ko lang na makita kang galit na galit, ‘yung tipong isinusumpa mo na ako, that you wish me dead, para matauhan na akong lumayo na nang tuluyan sa’yo. So I'm coming back at bukas na ‘yung flight ko. Sana makita kita—" he broke out.

Umiyak siya habang on-going ang recording. Ako naman na nanonood, tinakpan ko na ng kamay ko ang bibig ko para walang makarinig ng aking sigok.

"—I might not see you again. Kaya— kaya sana... kung may plano kang bugbugin ako, ‘wag naman masyadong masakit."

"Sira ka... H-hindi naman nangyari ‘yang sinasabi mo, ‘di ba?" side comment ko. I'm a dumb talking to the video.

Mayamaya, sinapo ni Aki sa video ang kanyang dibdib. Biglang parang nahihirapan siyang huminga. He struggled to get the camera—

Tog!

Nagulo ‘yung view kasunod ng falling sound. Naihulog ni Aki ang video cam bago ‘yun nagblank. I closed my laptop and returned the portable drive to where mamita got it. Tuluyan na akong hindi nakatulog hanggang umaga. Iyon na rin ang huling beses na nag-overnight ako sa condo nina Aki although araw-araw akong nagpupunta sa kanila para sa practice.

Our practices however, was taxing Aki's health. Kapag feeling ko ay hindi na niya kaya pero persistent pa rin siya, nagpapanggap akong may errand at aalis. I keep in touch with mamita though, para i-check kung nagpapahinga si Aki.

Sa wakas ay dumating na rin ‘yung araw ng aming recital. 6 PM iyon magsisimula na susundan ng maliit na buffet dinner. Present du’n ang parents ko at si mamita. Bumisita rin sa institution ang iba pang benefactors. Parang naging reunion na rin ng mga tumutulong sa mga batang cancer patients ang aming recital. Kinakabahan ako pero nang hinawakan ni Aki ‘yung kamay ko, nawala lahat ng mga pag-aalinlangan ko.

"You're beautiful tonight, Lucrezia," he whispered at me. I'm just wearing a simple chiffon black dress but after his compliment, I became a princess. I'm intensely blushing but I really wanted to tell him that he looked like a handsome prince in his white tux.

We played Pachelbel Canon in d major; Ang piece na para sana sa National Concurso noon.

Overwhelming ang feeling habang pinanonood kami ng aming audience. ‘Yung pakiramdam na connected kami sa puso ng lahat ng nakikinig sa music namin. I could see people crying not because our music is lonely, but because it is touching.

Mas panalo pa ang moment na ito kaysa ang manalo sa kahit na anong concurso. Binigyan nila kami ng standing ovation, at may iba pang nag-OH! na waring may ikinagulat.

Violin Tears (Edited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon