Paano niya nalaman na nag usap kami? Napabuntong hininga ako para kalmahin ang naghuhurumentado kong puso.

Tama siya. Paano kung pagsubok lang to sa amin? Paano kung sa huli ay kami parin kapag hindi ako bumitaw? Sinong susundin ko? Ang sinasabi ng puso ko na kumapit lang sa kanya at hindi bibitaw o tong isip kong iwanan na siya dahil hindi ako nararapat sa kanya.

Hindi ko inaakalang dadating ako sa puntong ganito. Nahihirapan akong mag isip at naguguluhan na ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Bakit ba kase ako nagpadala sa takot? Bakit ako maniniwala sa kapatid ni khanz? Paano kung sinisiraan lang niya ako tulad ng ginawa niya kina ate zaynah at sa kambal nitong si khonner?

"Ahlisha, please..."

Parang nagtindigan ang balahibo ko sa huli niyang sinambit. Pakiramdam ko nanuyo ang lalamunan ko. Hindi kailanman nagmakaawa si khanz sa kahit sino. At sa naririnig ko ngayon, gusto ko nang bumigay. Kanina pa nanghihina tong tuhod ko at kailangan ko na talaga ng suporta.

Si khanz ay isang uri ng taong ayaw magpakababa kahit sino man. Ayaw niya ng nagmamakaawa dahil lahat naman ng bagay nakukuha niya pero ngayon...

Di ko mapigilan ang pagsibol ng kakaibang pakiramdam sa buong pagkatao ko. Pakiramdam ko naglulundag tong puso ko sa di mawaring dahilan. Ngayon ko napatunayan na lahat ng pinapakita niya sa akin ay totoo...

"This is my first time begging at hinding hindi ako mahihiyang magmakaawa para lang manatili ka sa akin. Fvk ahli! Don't fvking leave me..."-nagsusumamo ang kanyang boses na lalong naging dahilan kung bakit mas lalo akong nanghihina.

Parang may kung anong humahaplos sa puso ko at masaya ako sa pakiramdam na yun. Lalo lang niyang pinapatunayan na mahalaga ako sa kanya.

Di ko na nakaya, kaya naman naluluha akong humarap sa kanya at ng makita niya ako ay agad siyang lumapit sa akin. Nanlambot ang kanyang ekspresyon at sa oras na ito nakita ko na naman kung paano nagkaroon ng emosyon ang kanyang mata. Mga emosyong para sa akin lang. Mga emosyong ako lang ang nakakakita.

Nag aalala niyang hinawakan ang magkabila kong pisngi at marahang pinunasan ang mga luha ko.

"H-hey..."-di niya malaman ang gagawin habang pilit niyang pinupunasan ang mga luha kong hindi na matigil sa kakaiyak.

Pagdating talaga kay khanz, nagiging emosyonal ako. Siya lang talaga ang nakakaalam ng kahinaan ko. Siya lang yung taong nakakakita kung paano ako umiyak at manghina.

"Napakatanga ko talaga para magpadala sa mga sinabi ng kuya mo. Hindi ko man lang naisip na nandyan ka para sa akin kahit anong mangyari at ngayon sising sisi ako khanz..."-umiiyak kong sambit na kahit anong pigil ko ay hindi ko magawa. "Sorry...sorry...sorry..."

"Shhh...hey, it's okay. As long as you'll stay with me don't feel sorry. I love you ahlisha and I will do everything just to be with you."-lalo akong napaiyak sa malambing niyang boses at sa sinabi niyang mahal niya ako.

Hindi na maawat ang puso ko sa pagwawala dahil sa narinig ko. Hindi ko alam ang ire-react ko pero napapangiti na lang ako habang natigil na ako sa pagluha. Ang tanga ko ngang tignan. Para akong nababaliw. Buti na lang kaming dalawa lang ang tao dito dahil kapag may nanonood sa amin baka pulang pula na ang mukha ko sa sobrang hiya.

Mariin akong napapikit at yumuko upang itago ang mukha ko. Nakakapeste lang dahil nahihiya ako. Shit! Kalma ka lang ahli.

"Why are you silent? Wala ka man lang bang sasabihin?"-kunot noo niyang tanong habang pilit na sinisilip ang mukha ko.

Putragis! Ano ba yan! Hiyang hiya na nga ako eh. Huwag kang ganyan khanzler dahil baka mahalikan kita ng wala sa oras magsisisi ka, lol.

Tumalikod na lang ako sa kanya at naunang lumabas para makaiwas. Sa totoo lang hindi ko matagalan ang mga titig niya lalong lalo pa na hindi mawala sa isip ko ang sinabi niya.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon