M4SB 2: The Garcia Brothers

1.2K 40 9
                                    

Baby! Gising na! "rinig 'kong sigaw ni mommy sa labas ng kwarto ko. Ni-lock ko kasi yung pintuan kaya 'di makapasok si mommy.

Mommy ang aga pa po! Tsaka sunday po ngayon! "sigaw ko pabalik habang nakapikit pa rin ang aking mga mata.

Bumangon ka na diyan baby! May bisita tayong dadating, kaya mag ayos ka na diyan! "yeah right! I hate my mom for giving up easily on dad. Pero wala naman akong magagawa eh, naka move on na si mom kay dad. She loves another man right now. 2 years na din yung nakalipas nung mangyari yung aksidente. Ang sabi nung mga pulis, 'di daw nila nakita yung katawan ni dad. Kaya ayun, 2 years ng missing si dad at hanggang ngayon 'di pa din siya nakikita. Nahulog kasi sa may ilog yung sasakyan kung san nakasakay si dad. Tapos ngayon pupunta sila tito Ryan dito dahil ipapakilala na sila ni mommy sakin. I cant help but frown.

Opo. "sabi ko. Bumangon na ako tsaka pumasok na sa banyo at naligo. Matapos kong mag ayos agad na akong lumabas ng kwarto ko.

Oh, baby. Tapos ka na palang mag ayos. "sabi ni mommy sakin ng nakangiti. Narinig ko namang may nag patay ng makina ng kotse sa labas. "They're here! "nauna ng bumaba si mommy sakin. Habang pababa ako sa hagdanan, nakasalubong ko si manang nelly.

Oh, ija. Pumunta ka na dun sa sala. Nandun na yung mama mo at yung mga bisita. "sabi ni manang sakin.

Opo. "Maikling sagot ko sa kanya tsaka nagtungo na dun sa sala. Nakita ko namang may naka upong apat na lalaki dun sa sofa at sa tapat naman nun ay nakaupo si tito Ryan. Bale yung nakaharap sa may gawi ko ay si tito. Nung nakita niya ako sa likuran ay agad niya naman akong nginitian.

Si Ellie. "rinig 'kong sabi ni tito kay mommy.

Ellie, baby. Halika dito. "sabi ni mommy sakin. Lumapit naman ako sa kanila at ngumiti ng peke.

Baby, sila ang mga anak ng tito mo. "sabi ni mommy at ngumiti. Tumingin naman ako dun sa apat na lalaki na kasulukuyang nakatayo na ngayon. All of them got looks at mga mukhang matatalino din. Di mo din mapagkakailang nagmana sila kay tito.

Hi! I'm Yael! "pagpapakilala nung lalaking naka glasses saka ngumiti. He got this friendly vibe sorrounding him.

Yo! Jiro here! "sabi niya saka nilahad niya yung kamay niya sakin na inabot ko naman. He seems nice.

JD. "ang ikli naman parang nagtitipid ng laway si kuya. He doesn't look friendly at masasabi mo talagang he's a man with few words.

I'm Bryle! "sabi nung isang naka kulay black na v-neck shirt. Ngumiti naman ito sakin na ang dahilan para mas gumwapo ito lalo.

I'm Ellie Julieanne. You can call me Ell for short. Nice to meet you all po. "sabi ko at ngumiti ng matipid.

Matapos naming magpakilala sa isa't isa, agad na kaming nagtungo sa kusina para kumain na. Nung matapos na akong kumain, akmang tatayo na sana ako sa upuan ko ng biglang hinawakan nung Jiro yung braso ko. Katabi ko kasi siya.

Dad, tita punta po muna kami ni Ellie sa garden. "sabi niya at ngumiti ng malapad. Di ko naman maiwasang magtaka. Anong gagawin namin dun? Tsaka sinong may sabi na sasamahan ko siyang pumunta dun. Tumango naman yung dad niya biglang tanda ng pagsang-ayon, si mommy din. Pagkatapos nun bigla niya nalang akong hinigit palabas ng bahay papuntang garden.

Bakit? "tanong ko ka agad sa oras na nasa garden na kami.

Wala lang. "sabi niya saka ngumiti ng malapad sakin.

Bakat sa mukha ko yung asar at pagtataka kung bat niya ko dinala sa garden namin ng walang dahilan.

Chill! Haha ang init naman ka agad ng ulo mo. " sino ba naman kasi yung di maaasar sa ginawa niya. Akala mo naman may dahilan yun pala wala lang. Kung hindi lang talaga mas matanda to sakin ng dalawang taon. "Oh? Nakabusangot ka na naman? Haha, ang cute mo! " weirdo ata to eh.

Kung wala ka ng ibang sasabihin aalis na ako. "sabi ko at akmang aalis na sana pero bigla akong napahinto ng may binanggit siyang 'di ko inaasahan.

Haha, sige next time nalang kitang sosolohin. "bigla niya namang inilapit sakin yung mukha niya, hanggang nasa tapat na ng tenga ko yung bibig niya. "Bye Ella. "sabi niya sakin bago siya naglakad papalayo sa kinatatayuan ko.

Did I misheard something or did I just heard him call me Ella?

My Four Step BrothersWhere stories live. Discover now