Chapter 14: A sad face brings badluck

Start from the beginning
                                    

"Inabot lang ng lalaki.  Tara na nga ng makauwi na." Sabi ko

Pinaandar naman nya ang sasakyan.

"Isang bahay nalang tapos pede na tayong umuwi" aniya

Apat na minuto lang ay halos marating na namin ang bahay na sinasabi nya.

Pero bago pa kami tuluyang makapasok ay namatay ang makina ng sasakyan. Tapos ay umusok ang makina. Napatili ako.

"Yung makina. Nausok!" Sigaw ko at bumaba ng jeep.

Bumaba naman sya at saka binuksan ang trunks ng harap at iniluwa non ang makakapal na usok.

Nasiraan pa yata kami.

"Ano? Nasiraan pa tayo?" Inis kong wika.

"Your sad face brings badluck" he said and look to me

"Sinisi mo pa ako!" Singhal ko sakanya

"Shit. Ang init" sabi ko at nagtatakbo sa silong.

Mabuti at katabi ng pinagtirikan ng sasakyan ay ang talyer.

Tulak tulak ng limang lalaki ang sasakyan.

Sumunod ako sakanya.
Mula sa ilalim ng sasakyan ay padausdos na lumabas ang isang pamilyar na lalaki. Sya iyong nagtanong kanina.

"Ram? Kelan ka pa nakauwi?" Tanong nito kay Ram.

"Kahapon lang Diego" aniya

So, magkakilala sila?

"Nasiraan ako e. Paayos nalang Diego. Anjan ba ang nanay mo?" Tanong nito

"Ah oo asa loob." Sagot ni Diego

Kinarga ni Ram ang isang sako ng sibuyas papunta sa bahay na katabi ng talyer. Naiwan ako sa talyer, nagtama ang mata namin ng lalaki

"Ikaw pala miss" aniya at ngumiti

Ngumiti din ako.

"Kasama ka ni Ram?" Aniya kaya tumango ako

"Mukhang may girlfriend na ulit si Ram ah. Laking Manila ka ano?" Aniya

"Hindi ko sya boyfriend mister" sabi ko.

His lips form an O shape.

"Diego nalang miss" aniya at akmang ilalahad ang kamay ng makita nyang madumi iyon kayat ibinaba rin nya iyon.

"Ace." Simple kong sabi.

"Pasok ka, mainit jan. Maupo ka muna roon oh" ani ng lalaki. Naupo ako sa upuang tinuro nya. Sinimulan ng kumpunihin anh sasakyan ng ilang lalaki liban kay Diego na may dalang isang pitsel ng tubig palapit samin ni Ram.

"Tubig?" He offerred. Ram accept it and pour a water on a glass and give it to me. I drink it, I am not surprised when he used the glass that I used. Diego brings only one.

"Musta manila pre?" Tanong ni Diego.

Lumapit si Diego sa jeep ni Ram at sumunod naman si Ram. May kinumpuni si Diego roon habang nakatinggin lamang si Ram. Nag-uusap ang dalawa at naririnig ko iyon lahat.

"Magulo sa Manila, Diego. " Ram stated.

I was keep listening to their conversation.

"Oh edi mas ok? Diba Abugado ka? Oh edi mas madaming lalapit sayo na mga kliyente dahil sa kaguluhan ng syudad"

"Yeah. " Ram answered.

"Sino sya Ram? Bakit mo sya kasama?" Diego's eyes landed on mine. I look away and act that I'm not listening at all.

Her Greatest DownfallWhere stories live. Discover now