ALAMAT: Ang Alamat ng Dyamante

115 0 0
                                    

"Ang Alamat ng Dyamante"

Noong unang panahon sa isang liblib na nayon ay may nakatirang mag asawang mayaman. Pinagkalooban sila ng Poong Makapal ng isang anak na babae. Pinangalanan nila itong Diane. Kahit lingid sa lahat na mayaman sila at nakukuha ang lahat ay lumaki siyang maganda, matalino at mabait na anak at kaibigan. Maraming lalaki ang nag kakagusto sa kanya at ang iba ay galing pa sa ibang lugar. Ngunit ang kanyang puso ay may nilalaman na na isang sikretong pagtingin sa kababata niyang nag ngangalan Mante na anak lamang ng kanilang hardinero. Inililihim niya ito dahil natatakot siya na malaman ito ng kanyang magulang at sisantihin ang pamilya ni Mante sa kanilang bahay upang paglayuin silang dalawa ni Mante.

Dumating ang panahon ng tagtuyot at nangamatay ang mga tanim at alagang hayop. Kasama na rito ang mga pananim ng ama ni Diane. Nabaon sila sa utang pero ito ay nilihim ng magulang kay Diane upang hindi ito mag alala.

Dumating ang panahon na nangutang ng malaking halaga ang magulang ni Diane sa isang mayaman at sakim na negosyante kahit malaki ang interes nito at ito ay pinautang naman. Nagsimula muli ang ama ni Diane ngunit nabigo ito sa pangalawang pakakataon dahil dumating ang malakas na bagyo at nasira lahat ng pananim sa bayan nila. Naging balisa at nanghina ang ama ni Diane.

Ilan buwan na ang nakakaraan ng nangyari ang kalamidad sa bayan nila. Nagkaroon ng isang piging para sa nalalapit na pista ng kanilng bayan. Lahat ng kabataan ay imbitado. Sa gabi ng piging ay magdamag magkasayaw at magkausap sila Diane at Mante. Umamin si Mante na mahal niya ang dalaga simula pa pagkabata. Labis na nagulat si Diane sa narinig niya. Di niya akalain na mahal rin pala siya ng lalaki na matagal niya ng iniirog. Mangiyak ngiyak niyang sinabi kay Mante na mahal na mahal niya rin ito. Pero pinag pasyahan lamang nila na ilihim muna ang kanilng pag ibig dahil maaaring mag dulot ito nang kaguluhan sa pamilya nilng dalawa.

Ilan buwan na ang nakakalipas ng aminin nila ang pag iibigan nila. Isang hapon, may kumatok sa tahanan nila ni Diane, pinagbuksan niya ito at tinanong kung anong nais. Nasabi ng lalaki na nangutang ama ng malaking halga sa kanya at nandito siya upang maningil. Nagulat si Diane. Bumaba ang kanyang ama para makita kung sino ang kanilang bisita. Nagulat rin siya sa kanyang nakita. Nag makaawa ang ama dahil wala talaga siyang maibabayad sa lalaki. Sumagot ang negosyanteng lalaki na si Diane na lang ang ipangbayad sa kanya kung hindi ay mapipilitan siyang isumbong siya sa kinauukulan sabay alis ng lalaki.

Sa kwarto ng mag asawa, iyak ng iyak ang magulang ni Diane dahil ang dalaga na lamang ang natitira sa kanilang kayamanan at nahihiya sila sa kanilang paglilihim sa anak. Maya maya pa ay pumasok si Diane kasama si Mante. Inamin na nila ang kanilang lihim na pagmamahalan at ayaw ng dalaga na magpakasal sa negosyante pinagkakautangan. Nagulat ang magulang ng dalaga ngunit wala na silang magagawa at alam rin naman nilang mabait si Mante.

Kinagabihan ay pinatakas ng mag asawa si Mante at ang kanilang mahal naanak kahit ang kapalit nito ay pagkakakulong nilang mag asawa at dahil alam rinnilang mag asawa na higit nasasaya ang kanilang anak kapiling si Mante kaysa sasakim na negosyanteng nanggigipit sa kanila.

Habang sila Diane at Mantes ay tumatakbo papalayo sa kanilang bayan, nakitasila ng isa sa mga tauhan ng negosyanteng sakim. Sila ay hinabol atpinaputukan. Sa kasamaang palad tinamaan si Mante s likuran. Malubha angkanyang sugat halos di na siya makatayo. Iyak na lamang ng iyak si Diane.Hanggang magsalita si Mante na mahal na mahal niya ang dalaga at pinatakbo niyaang dalaga papalayo sa lalaking nang hahabol sa kanila.Kahit labag sa kaloobanng dalaga ay napilitan siyang sundin na lisanin ang kanyang kasintahan. Tumakboang dalaga papuntang kagubatan at tuloy tuloy sa pag iyak. Simula noon ay hindinila nakita si Diane.

Nalungkot ang mga tao sa sinapit ng mabait na si Diane. Hinanap ng mga taongbayan si Diane. Mga ilang linggo na ang nakakaraan sa kanilang paghahanap, maynapansin ang mga tao na mga kumikinang na butil ng bato. Nagkalat ang mga itosa kagubatan, ilog at kweba. Bigla nilang naisip si Diane. Sabi ng mga tao, itodaw ang luha ni Diane, na inaalay sa pagkamatay ni Mante. Ang dalagang maypusong mapagmahal at mapagmalasakit sa kapwa. Sa sobrang ganda ng ugali ngdalaga at sa labis pagmamahal kay Mante ang kanyang mga luha ay nagingmagandang bato na kahit sa gabi ay labis kung kuminang. Kaya ang batong ito aytinawag na "Dyamante" bilang pagalala sa pagkawala ni Diane at sa lubos na pagmamahalni Diane kay Mante .

Ang tunay na pag-ibig ng dalawang tao ay kayang hamakin ang lahat paramagkasama lamang sila. Darating din ang panahon na kailangan na nilangmagkalayo dahil na rin sa maraming kadahilanan. Kung minsan di maiiwasan na maymasamang mangyari sa kanyang minamahal, kahit ito ay lubos na makakasakit sakalooban niya. At kahit gaano kaganda, katalino at kayaman ang isang taodarating rin ang panahon na iiyak at mararamdaman niya na gusto na niyangbumigay.




Akdang Pampanitikan 10 (RELIABILITY)Where stories live. Discover now