TULA 2: Ang Aking Minamahal na Ina

205 1 0
                                    

"Ang Aking Minamahal na Ina"

Ang pinakamaganda sa lahat

Salamat sa lahat-lahat

Sa pag-ibig na ipinadama

Sa matamis na pagkalinga


Ikaw sa akin ay bumuhay

Karamay sa lahat ng bagay

Ikaw ang lagi kong kaagapay

Pasensya na kung pag ibig ay hindi ko naibibigay


Pangarap at desisyon ko ay iyong suportado

Pagmamahal mo sa amin ay todo-todo

Salamat sa pagbabanat ng buto

Kahit na ika'y malayo dito sa aming puso ika'y naririto


Kung di dahil sa iyo wala ako

Salamat sa lahat at sa iyong mga pangako

Darating din ang araw babawi ako

Pangako, pangakong hindi mapapako

Akdang Pampanitikan 10 (RELIABILITY)Kde žijí příběhy. Začni objevovat