MITOLOHIYA: Sa Likod ng Storya ni Medusa

335 1 0
                                    

"Sa Likod ng Storya"

Si Medusa ay isa sa mga kilala o itinuturing nating kalaban sa mitolohiya ng Griyego (Greek Mythology). Siya ay may ulo na may mababangis at makakamandag na buhok na ahas. Pero hindi ba tayo nagtataka kung bakit siya ganun o nagkaganun? Hindi ba tayo nagtaka kung anong klaseng pamumuhay meron siya? O baka hindi na tayo nagtaka dahil ang alam lang natin ay kalaban siya. Maaaring ang iba sa inyo ay may ideya na kung ano ang nangyari sa kanya ngunit mababasa ninyo dito kung ano ba talaga ang nasa likod ng storya ni Medusa kung bakit nagkaganun siya.

Simula pagkabata ay humahanga na si Medusa kay Athena, isang diyosa. Isang kalahating-tao at kalahating-diyosa si Medusa sapagkat ang kanyang ama ay isang tao at ang kanyang ina ay isang diyosa. Noong ipinanganak si Medusa ay napagkasunduan na ng kanyang mga magulang na ipunta siya sa Olympus o ang kaharian ng mga diyos at diyosa.

Habang siya'y lumalaki, dumadami na rin ang nakakaalam na may dugo siyang mortal. Ayon sa patakaran ng kahariang Olympus, ang mga mayroong dugong mortal ay hindi maaaring manirahan sa lungsod sapagkat dumadaloy sa kanilang dugo ang kasalanang kanilang nagawa sa kasalukuyan man o sa nakaraang buhay nila. Bilang isang diyos o diyosa, hindi dapat sila nakikitira sa kanila sapagkat makasalanan sila at maaari silang mangimpluwensya ng kasamaan sa kaharian ng Olympus.

Lahat ng mga diyos at diyosang naninirahan sa Olympus at nagtataka kung bakit nandun pa rin si Medusa at hindi pinapalayas. Hanggang sa may kumalat na balitang nagsasabing nagkaroon daw ng relasyon ang ina ni Medusa at ang Hari ng mga diyos at diyosa na si Zeus kaya hindi pa sila pinapalayas sa sa kahariang Olympus.

Bilang ina ni Medusa, siya'y nasasaktan sa mga naririnig lalo na't ito ay mismo pa nilang sinasabi sa kanyang anak. Para mapatigil na ang kumakalat na tsismis, siya'y nagdesisyong manirahan nalang sa mundo ng mga mortal kasama ang kanyang asawa't anak. Sila ngayon ay naninirahan sa gilid ng isang karagatan kung saan naroroon ang maliit na bahay ng kanyang mortal asawa. Sila'y naging masaya ngunit ito'y sa maikling panahon lamang sapagkat may mga mortal na nakadiskubre sa kakayahan ng ina ni Medusa.

Sinugod ng mga tao ang kanilang pamamahay upang dukutin ang diyosa at gawing alipin para sa kanilang pansariling interes. Upang maprotektahan ang anak at asawa, lumaban ang ina ni Medusa habang sila'y tumatakas. Sa dami ng taong sakim sa kapangyarihan, namatay ang ina ni Medusa sa labanan. Kung saan-saan napadpad ang mag-ama hanggang sa nakilala nila ang diyosang si Athena.

Nagbigay ng tulong si Athena ngunit tutulungan lamang daw niya ang kapwa niya diyosa. Ayaw sana ng ama ni Medusa'ng ibigay siya ngunit alam nitong may malubha na siyang sakit at hindi na niya kanyang protektahan ang anak kaya naman nagdesisyon ito para sa ikabubuti ng kanyang anak. Maliit at musmus pa noon si Medusa at hindi alam kung ano ang mga nangyayari ngunit alam niyang hinding-hindi na niya mababalikan ang mga masasayang araw na buo silang pamilya.

Ipinunta ni Athena si Medusa sa kanyang templo at doon siya pinag-aral ng kung ano-ano tungkol sa pagiging isang diyosa. Namangha si Medusa sa mga kakayahan ni Athena kaya naman nagdesisyon siyang maging isang tagasunod ni Athena.

Lumaki na si Medusa at naging isang napakagandang dalaga. Marami siyang manliligaw kaya naman sa tuwing nasa templo siya ay palagi itong napupuno ng kalalakihan. Marami ring naiinggit sa kanyang mga kababaihan sapagkat ang mga nagugustuhan nilang mga binata ay nagkakagusto rin sa kanya. Kabilang na rito si Poseidon.

Si Poseidon ay hari ng karagatan at kahariang Atlantis. Siya ay nakababatang kapatid ni Zeus at ang kuya ng Hari ng kamatayan na si Hades. Habang binibisita ni Poseidon si Athena sa templo ay nakita nito si Medusa na sumusunod kay Athena. Siya'y nakipagkaibigan at simula noon, palagi na silang magkasama.

Iniwan noon ni Poseidon si Athena at hindi na bumalik sa pagbisita nito sa templo. Palagi nang si Medusa ang kanyang hinahanap at ang kanyang gustong makasama maliban sa kanya. Habang balot na balot si Athena na naglalakad sa ibabang bayan ng kanyang templo, may mga naririnig siya tulad ng mas nalamangan na raw ni Medusa si Athena sa kagandahan kaya naman dapat ipalit na si Medusa Kay Athena sa trono. Mas malayong maganda raw ang buhok ni Medusa kesa sa kanya at mas kaakit-akit ang kanyang mga mata kesa kay Athena. May iba rin na nagsabing nanliligaw na raw si Poseidon kay Medusa at mas bagay sila kesa sa kanilang dalawa. Dahil sa galit at kalungkutan, bumalik agad si Athena sa kanyang templo at ibinuhos lahat ang kanyang nararamdaman doon. Naisip niyang ipalit nalang ang kanilang kagandahang dalawa at ginawa nga niya ito.

Sa kabilang banda, gusto na talaga ni Poseidon angkinin si Medusa ngunit siya'y hindi maaari sapagkat siya'y sumusunod sa patakaran ng templo ni Athena na kung saan kailangan nilang panatilihin ang kanilang kalinisan at hindi pwedeng magkaroon ng anak o mag-asawa. Dumaan ang panahon at hindi na napigilan ni Poseidon ang kanyang kabaliwan kay Medusa kaya naman isang gabi, ito'y kanyang sinundan. Tumakbo patungong templo si Medusa at humingi ng tulong kay Athena upang iligtas siya ngunit walang sumagot sa kanyang panalangin kaya naman siya'y tuluyang hinalay ni Poseidon. Pagkatapos ng ginawa ni Poseidon, nakita niyang hindi na masyadong maganda si Medusa para kanyang maging reyna kaya naman ito'y kanyang iniwan nalang sa templo.

Sa mga sumusunod na araw, napagtanto ni Athena na hindi na malinis si Medusa kaya naman siya'y pinatalsik sa templo at bilang kaparusahan, ang kanyang magandang buhok ay magiging makakamandag na ahas at kung sino man ang titingin sa kanyang marikit na mata ay magiging bato. Pagkatapos ng sumpa, pumunta sa isang kweba si Medusa at doon na nanirahan.

Pagkatapos mabalitaan ng mga mortal ang tungkol sa kapangyarihang taglay ng ulo ni Medusa, maraming tao na ang nangarap kunin ito at nagbuwis-buhay pumasok sa kweba ngunit ni isa ay walang nagkakaroon ng pag-asa.

Dahil sa dami-daming mangingisda ang nagkukwento tungkol sa ulo ni Medusa sa dagat, ito'y napagtanto agad ni Poseidon. Maaaring siya ang dahilan kung bakit nagkaganun si Medusa kaya naman sinubukan niyang palihim pagmasdan si Medusa sa kweba. Narinig niya itong umiiyak palagi kaya naman nagdesisyon na siyang tapusin na ang paghihirap ni Medusa.

Ipinadala ni Poseidon ang kanyang anak na si Percy Jackson upang kunin ang ulo ni Medusa ngunit ang totoong layunin doon ni Poseidon ay upang makawala na si Medusa sa kanyang sumpang matagal na niyang kinikimkim.

Akdang Pampanitikan 10 (RELIABILITY)Where stories live. Discover now