Chapter 4

19.4K 335 61
                                    




Hindi alam ni Jillian kung tama ba na pumayag na doon sya matulog sa kwarto ng dalawa. Kung hindi lang sya nakukulitan kay Jake ay hindi sya papayag pero dahil unang araw na umalis ang Mom at Dad nito ay pinagbigyan nya ang kahilingan ng bata. Baka namimiss na nito agad ang mga magulang at baka sanay ito na tinatabihan ng Ma'am Euricka nya bago matulog. Pero wala namang masama sa naging desisyon nya dahil sa parte pa rin  yon ng kanyang trabaho. At si Jake naman ang tatabihan nya, hindi ang malanding binata na si Jack. Yeah, she finds him naughty and flirt. At hindi nya alam kung kailan sya tatagal sa kapilyohan nito.

Sadyang binagalan nya ang paghuhugas ng plato matapos nilang kumain para makapag-isip-isip sya. Isa pa nasa kwarto na ang dalawa at umaasa sya na tulog na ang mga ito bago sya umakyat sa taas. Mahirap na, baka hindi nya ma-control ang sarili at kusang magpa-alipin sa mapanuksong si Jack. Mabilis pa naman syang tablan ng karisma nito. Lalo na pag sinisimulan na sya nitong akitin na parang ikakabaliw nya. Napaka-husay nito sa larangan ng pang-aakit na kahit yata sinong babae ay mabilis na mahuhulog sa bitag nito. Katulad nya... Pero kahit yata hindi ito umakit ng babae makukuha na nito sa tingin at angking karisma pa lang nito.

Nang matapos sya ay umakyat na sya sa taas. Pumasok muna sya kanyang kwarto at naghanap ng damit pantulog bago pumasok sa bathroom. Nag-half bath lang sya dahil pagod sya at doon na din sya nagbihis sa loob ng bathroom. Simpleng white shirt lang ang pang-itaas nya na abot sa gitna ng kanyang hita na pinaresan nya ng maikling cotton short na halos kapantay lang din ng t-shirt sa hita nya kaya parang wala syang suot na pang-ibaba dahil natatakpan yon ng suot nyang damit.

Muli syang bumaba para magtimpla ng gatas ni Jake pati na rin gatas nya. Yon kasi ang iniinom nya para mabilis syang makatulog, nakasanayan na siguro. Bitbit ang serving tray ay umakyat sya sa taas at hindi naman sya nahirapan dahil medyo nakabukas ang kwarto ng binata. Walang paalam syang pumasok at agad na tumuon ang mata ng binata sa kanya na nakaupo sa kama habang nanonood ng tv. Ganun din ang ginagawa ni Jake pero hindi nito napansin ang pagpasok nya dahil nakatutok ito sa pinapanood.

Iniiwas nya ang tingin kay Jack dahil sa mabilis na pagkabog ng dibdib nya sa klase ng pagtitig nito. Halos hubaran na sya sa klase ng tingin nito at nag-iinit sya lalo na at nagtaas-baba ang mata nito sa katawan nya. Bakas ang paghanga at pagnanasa sa mata nito idagdag pa ang pagtaas-baba ng adams apple nito na parang takam na takam sa kanya. At kahit ng maglakad sya palapit sa kama ni Jake ay ramdam pa rin nya ang mainit nitong titig sa kanya. Na para bang may ibang tumatakbo sa isipan nito na rated-SPG.

"Here is your milk, baby.. Drink this first tapos matulog ka na. Bawal sa'yo ang magpuyat dahil baby ka pa.." wika nya kay Jake at pilit inignora ang presensya ng binata.

"Thank you po, Ate.." nakangiting wika nito bago kinuha sa kanya ang baso ng gatas at sinimulang inumin. Umupo sya sa tabi nito bago sya sumimsim sa baso nya at muntik na nyang maibuga yon dahil sa nahuli nya si Jack na nakatingin sa exposed nyang hita. Ngayon sya nagsisi na hindi sya nag pajama na lang. Ba't ba hindi nya yon naisip agad kanina?

"Are you trying to seduce me, honey?" nakangising wika sa kanya nito.

"H-hindi, ah. Sadyang ganito ang suot ko pag natutulog ako.." depensa nya habang pilit na ibinababa ang t-shirt nya para kahit papano ay matakpan ang kanyang hita.

"Oh! Really!" wika nito na parang natuwa sa narinig. "I used to sleep fully-naked before. Pero simula ng sumama sa room ko si Jack, kahit hindi sanay, nagdamit na ako.."

"Mabuti naman naisipan mo yan. Kahit na pareho kayong lalaki, masama pa rin na mamumulat sya sa mga bagay na hindi pa naaangkop sa kanyang edad." wika nya at tumayo para ilagay sa bedside table ang basong wala ng laman na ginamit nila ni Jake.

Babysitting the BillionaireWhere stories live. Discover now