May apat na kalalakihan ang magkasama sa loob ng isang safe house. Kanilang pinagpaplanuhan kung ano ang gagawin sa kanilang pag labas.
Alton: O, wala munang magbubukas ng pinto. Ganito ang plano, unang lalabas si Toby—
Sa di-kalayuan ay nandoon ang kasama niyang si Redgie na tahimik na kinakalikot ang pintuan na dapat niyang binabantayan.
Redgie: Ah, mga tsong—
Hindi niya binanggit sa iba na bahagya niya itong nabuksan.
Jon: Ssh!
Sumenyas si Jon kay Redgie na 'wag maigay habang sila'y nagpaplano.
Alton: Tapos susunod si Redgie at Jon—
Redgie: M-may nagawa kasi ata akong mali.
Nakatingin sa bukas na pintuan si Redgie at halatang namutla sa nakita, habang nagmamadaling kinargahan ang hawak niyang shotgun.
Toby: Ang kulit naman nito o, ano ba yun?
Redgie: NABUKSAN KO YUNG PINTO!!!
Sabay nagpakawala ng sunod-sunod na bala sa mga nagwawalang zombie patungo sa kanya. Mabilis napaligiran ang magkakaibigan. Sinubukan nilang lumaban subalit sadyang marami ang mga zombie. Maya-maya ay may dalawang malaking zombie na nagpakita at kinaladkad palayo si Toby.
Toby: Tulooooongg!—
Pinilit ni Jon at Alton habulin si Toby ngunit nawala na ito sa kanilang paningin.
Redgie: Teka! Tutulungan ko kayo!
Binato ni Redgie ang molotov deretso sa dalawa.
Jon: Teka hindot ka! 'wag muna!
Jon at Alton: AAAGH!!!
Unti-unting nasunog ang dalawa.
Redgie: Ay.
Naglalaro pala ang apat sa isang computer rentals sa loob ng isang mall.
Jon: Kamote! Di ka na natuto! Di ba sabi naming sandali lang?!
Binatukan ni Jon si Redgie, habang masama rin ang tingin nila Toby at Alton.
Redgie: Di ko naman kasi alam na maraming lalabas kapag binuksan ko yun.
Paliwanag niya habang napakamot sa ulo.
Jon: Puro dahilan. Kain nga muna tayo. Ginugutom ako sa taong 'to.
Toby: 'langya dalawang oras na tayo sa map na yon. Tara na nga.
Lumapit ang apat sa bantay ng shop na nakaheadset at may pinapanood sa kanyang screen.
Alton: Bobby, kain muna kami. Balik kami mamaya.
Tumango lamang si Bobby pagkatapos ay umalis na ang apat. Nalagpasan nila ang isang appliance center habang papunta sa paborito nilang fastfood. Sa isang malaking wide screen tv ay nakapalabas ang isang flashnews.
Flashnews text: Chinese Airlines under quarantine at the international airport. More details at 6.
Habang nakapila sa fastfood.
Redgie: May problema yata yung net. Patext naman sa phone mo o.
Alton: Wala akong load.
Redgie: Kuripot. E ikaw Toby?
Toby: Subukan mo kung makakatext ka, kanina pa ako hindi makatawag.
Redgie: Kainis. Daming wang-wang o.
Tinuro ni Redgie ang mga sasakyan ng pulis sa labas na naipit sa trapik. Subalit hindi siya pinansin ng iba.
Habang kumakain sa fastfood.
YOU ARE READING
Left 2 Die
Short StoryMay nahanap ako na lumang script habang naglilinis ng files sa desktop. Isinulat ko ito nung mga panahon na madalas ko pang kasama yung mga kaibingan ko nung high school. Nung madalas kaming maglaro ng mga network games at maglaro ng zombie shooter...
