"At tungkol kay khanz naman, huwag ka ng magdalawang isip dahil nakikita ko mismo sayong mata na mahal mo siya. Sinasabi ko sayo, nasa huli ang pagsisisi. Kaya't hanggat maaga pa, sabihin mo na. Wala namang mawawala dahil alam ko namang kaya ka niyang alagaan at pasayahin."-nakangiti niyang tinapik ang balikat ko pero nanatili lang akong tulala habang iniintindi ang kanyang mga sinabi.

Tama naman talaga siya. Parang biglang bumalik lahat ng ala ala ko noong nakaraan at habang inaalala ko ang mga yun ay unti unti ko na ding nare-realize ang nararamdaman ko. Minsan kase ang hirap nating intindihin tong nararamdaman natin. Gaya ng sa akin, alam ko ng mahal ko na si khanz pero hindi ko pa din kayang matanggap dahil natatakot ako.

Pero ngayon, sa mga sinabi ni ayna parang may namumuo ng tapang tong pagkatao para mahalin siya. Bakit ko naman iintindihin ang mga sinasabi ng Iba kung sapat na tong puso ko? Wala namang masama kung susugal ako diba? Desisyon ko to at wala ng makakapagpabago pa.

"Ahli! May naghahanap sayo sa labas!"-natigil ang pagiisip ko ng biglang may sumigaw na kaklase ko mula sa harapan. Bahagya niya pang tinuro ang front door ng classroom namin pero hindi ko naman makita kung sino yun.

"Hahaha! Boyfriend na niya yan panigurado! Tignan mo nga naman, hindi pa breaktime pero sinusundo ka na niya? Lakas talaga kamandag netong kaibigan ko. Alagang Lacuesta!"-sabat naman tong katabi ko dahilan para magtawanan ang mga kaklase kong nakarinig.

Bwisit talaga ang babaeng to.

"Tigil-tigilan mo ako dahil kapag naging kayo ni renzo ako ang kauna-unahang mang aasar sayo."-banta ko at saka niligpit na ang mga gamit ko.

Pansin ko naman sa gilid ng aking mata si rondrick na taimtim lang na pinagmamasdan si ayna at kitang kita ko kung paano siya nasasaktan.

Hanggang ngayon pa ba hindi padin sila naguusap? Hindi ko naman kayang makitang ganito na lang tong dalawa dahil naging kaibigan na din ang turing ko kay rondrick. Pero kapag may oras talaga ako, kakausapin ko silang dalawa.

"Sige na. Mauna na lang ako sayo!"-paalam ko kay ayna at dali daling tumakbo papalabas.

"Teka! Yung cellphone mo-----"-hindi ko na narinig ang pahabol niya dahil nakalabas na ako. Hindi ko na yun pinansin dahil nakita ko agad si khanz na nakatalikod sa gawi ko kaya naman dahan-dahan akong naglakad patungo sa kanya at akmang gugulatin ng bigla itong humarap.

Tuluyan na akong nabato sa kinatatayuan ko at nanlalaki ang mga mata kong natuon sa kanyang mukha. Natahimik kami ng ilang segundo ng bigla itong ngumisi na naging dahilan upang kilabutan ako.

"It's nice seeing you Ms. Bustamantelo, can we talk?....privately."

**

Napapalunok akong naupo sa bench ng Science Park ng paaralan namin. Dahil maaga pa, walang studyante ang pakalat kalat dito dahil class hours palang ngayon kaya nagpapasalamat ako dahil walang makakakita sa amin dito.

Kanina pa kating-kati tong dila kong magtanong kung bakit gusto niya akong makausap at hindi talaga ako komportable sa kanya. Nakakaramdam ako ng kaba at hindi maipaliwanag na takot sa presensya niya. Ewan ko pero, parang may mali sa taong to.

"I'm sure, you know me already right?"-malamig niyang tanong habang deretsong nakaupo sa tabi ko at bahagya pang nakahalukipkip. Ibang-iba talaga siya kay khanz. Pareho nga silang magsalita pero mas nakakatakot siya. Napakaseryoso niya sa lahat ng bagay at napakapino kung kumilos yung tipong pormal lahat ng kilos niya.

Ngayon ko lang nakita ang pinagkaiba niya sa kanyang kambal na si khonner. Siya yung tipong mapaglaro at mabilis pakisamahan pero itong khenner ay nakakatakot pakisamahan.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Where stories live. Discover now