Invitation

26 2 0
                                    

"Mama, San ka po punta?" tanong ng binatilyong nakatayo sa may tarangkahan ng isang maliit na kubo.
" dun kina Lola mo." matipid na tugon ng balingkinitang babae na may mahabang tuwid na buhok.
" kapatid mo ha ..." dugtong pa nito habang naglalakad papalayo sa binatilyong kausap nya.

Isang lugar sa Antipolo ang malimit na pasyalan ng mga mahilig mag ride.Sa gantong lugar din ang hilig ni Mea. Si Mea ang high school friend at classmate ni Rani at Brealy. Sila ang trio na mahilig sa kakaibang adventure. Madalas sinasabing may mga sariling mundo ang tatlo.. hindi dahil mayaman sila kundi sila ay may kakaibang trip na di ordinaryo sa ibang kaidadan nila.

"Malamig na noh?" nakahulikipkip na sabi ni Mea habang nakatayong nagpapaaraw sa labas ng simbahan linggo ng umaga.
" oo nga ramdam ko na lamig sa madaling araw eh." nakangiting sabi ni Brealy habang karga ang bunsong anak nya.
"darating ba si Rani?"
"ewan ko dun malabo kausap ung babaitang un. pero sana dumating... "sabi ni Mea habang palingalingang tila ba may hinahanap.

Malapit na magclosing ng school year ng may isang invitation na dumating kina Mea, Rani at Brealy para sa homecoming ng High School nila. After 23 years may chance na silang makita ang mga dating kaklase at mga kabatchmate nila. Nagpauna na si Brealy na di sya makakapunta kase nga may maliit na batang alagain sya at gabi ang event na nasabi.

"Ran, darating daw si Harley..." sabi ni Mea sa kaibigan sa isang chat convo nila isang linggo pagkaraan ng huli nilang pagkikita sa simbahan ng Antipolo.

" yaan mo un.." matabang na sagot ni Rani sa kababata.
"ayoko pumunta baka magkayabangan na naman alam mo nah...." dagdag pa nito.

" naalala ko pala sabi ni Harley may pasalubong sya."
"bakit san sya galing?"
"sa abroad"
" e di wow"
" ang sungit mo bakit parang inis ka kay Harley?"
"hindi ahh.."

"sige na muna may klase na ko..." sabi ni Rani..

"sige papaliguan ko muna si baby " tugon naman ng kaibigan.

shades of dreamsWhere stories live. Discover now