Magic1: Not an ordinary Day

493 14 1
                                    

Mizu's POV

"Waahhhhhh!!!! I love you EXO!!!!  I LOVE YOU SUHO!!!" sigaw ko habang nanunuod ng performance ng Kpop group na EXO sa laptop ko.  Teary eyed pa ko dahil Im so proud of them ang gagwapo at ang gagaling nila Waaaahhhh!!!!. Lalong lalo na si Suho, Sya na ang prince charming ko.

Tumayo ako sa kama at sinabayan ang kanta nilang Growl.

Nung part na ni Suho lalo akong naging wild. Sumayaw ako at kumanta sa taas ng kama ko.

Neon geunyang geudaero isseo

Namaneul bara bomyeonseo

Jeolttae neol bonaeji anha

Dugobwa Baby

"Mizu ano ba yan!! Nagwawala ka na naman!" bumukas yung pintuan ng kwarto ko. Dahil sa sobrang gulat na out of balance ako at nalaglag sa sahig.


"Aray" napahawak ako sa pwet ko dahil sa sakit na dulot ng pagkakahulog.


"Ikaw talagang bata ka. Madidisgrasya ka nyan sa pinaggaga gawa mo eh. tsk" tinignan ako ni Papa na para bang nag aalala na natatawa.

"Kaw naman kasi Pa eh, nanggugulat ka." tumayo na ko na hawak pa rin ang pwet ko. Nginitian ako ni Papa pero sinamaan ko sya ng tingin.

"Anong nangyayari dito? Nakarinig kasi ako ng kalabog." biglang silip ni Kuya Ryuu sa kwarto ko.

"Yan kasing kapatid mo nagwawala na naman." sagot sa kanya ni Papa.

"EXO na naman ba? Psh bakla naman yun eh. Mas gwapo pa ko dun kahit magsama sama pa sila hahaha" napahawak ako sa gilid ng kama ko dahil sa hangin ng kabangan na dala ng kuya ko. Tss.

"Hindi sila Bakla noh!!! Inggit ka lang kasi gwapo sila. Kung makapagsalita ka kuya kala mo ang gwapo gwapo mo Tsk." inisnaban ko yung kuya ko na gwapong gwapo sa sarili. Kung makabakla wagas eh mas gayish pa nga yung pinag gagagawa nya eh naninira sya ng ibang tao.

"Bakit hindi ba talaga ako gwapo ha? Hahaha. " -__-. Tumawa pa yung loko. Sa sobrang inis ko binato ko sya ng unan. Unfortunately nasalo nya. buset!!

"Tama na nga yan. Mamaya magkapikunan na naman kayo eh. Ryuu diba may practice ka ngayon ng basketball?" ngayon ko lang napansin na naka jersey pala ang magaling kong kuya.

"Ou nga Pa paalis na nga po ako eh. Sige bye na po." tapos nagmano sya kay Papa. Sabay tingin sakin.

"At ikaw Miss EXO. Tigil tigilan mo na yang kahibangan mo dyan sa mga koreanong yan haha. Tignan mo tong kwarto mo punong puno ng poster nila haha. Mga bakla naman Hahaha" Ano ngayon kung punong puno ng poster ng Exo ang kwarto ko eh sya nga punong puno din ng poster ng mga basketball player ang kwarto nya?

Nakakaloka lang diba?

"Pa oh. Nangbubwisit na naman si Kuya" sumbong ko kay Papa.

"Tama na nga yan Ryuu umalis ka na." naman kampi sakin ang papa ko hohoho.

Dinilaan lang ako ni Kuya Ryuu bago sya umalis. Syempre nagbelat ako sa kanya ano kala nya papatalo ako?

"Ikaw naman Mizu, tumawag ang tita Yumi mo punta ka daw sa kanila ngayon." napakamot ako sa ulo sa sinabi ni Papa. Hindi pa nga ako tapos mag party party eh.

"Bakit daw pa?"

"Ewan ko? Pinapapunta ka eh? Tsaka patayin mo na nga yang laptop. Hindi ko naman maintindihan yung kanta na lumalabas dyan." hehe tumutugtog pa rin pala yung Growl ng EXO.

Magic Circle: LORE ACADEMYOnde histórias criam vida. Descubra agora