Chapter 22

8.6K 302 7
                                    

Chapter 22

"Ang aga-aga nambi-bwis*t ka na naman, Andrei."

Sabi ko kaya napataas ang kilay nito.

"What? Wala naman akong ginagawa ah?"

Sagot niya sa akin kaya inirapan ko nalang siya saka naunang naglakad.

He does look normal right now.

Hindi siya bad mood, hindi rin siya good mood.

Neutral lang, which is maybe a good thing.

"Cresia?"

Napatingin naman ako sa kanya dahil tinawag niya ako pero agad rin namang nanlaki ang mata ko saka napaatras.

Eh nasa may likuran ko lang naman pala siya!

His face was just an inch away.

"Pfffft!"

Sinamaan ko naman siya ng tingin kaya napatigil siya at nagseryoso.

"Ito na. May sasabihin ako."

Seryosong ani niya kaya napakunot noo nalang ako.

Ilang segundo pa ang lumipas bago ito nagsalita.

"May muta ka."

Turan niya kaya nanlalaki ang mata kong pinahid ang mata ko kaya napahalakhak na naman siya.

Eh wala naman ah!

Panay lang ang tawa niya nang bigla nalang kumulog at kumidlat.

"Holy sh*t naman Cresia!"

Biglaang sambit niya kaya mas lalo ko naman siyang sinamaan ng tingin.

Babatuhin ko pa sana siya ng malaking bato nang marinig ko nang tinawag na kami ni Mommy.

"Vianca! Voltaire! Halina kayo. Mamaya na kayo magkulitan!"

Rinig kong sabi niya kaya napapadyak ako.

"Humanda ka talaga sa akin!"

Sabi ko nalang kay Andrei saka pumunta sa kung nasaan sina Mommy.

Hindi ko alam kung bakit ang aga ni Andrei.

Sina Mommy na sana ang maghahatid sa akin nang bigla nalang siyang sumulpot since trip niyang maging kabute.

Pagkapasok ko sa dining ay nakita kong nandun na sina Mommy at Daddy.

I kissed their cheeks and greeted them a good morning.

Sumunod rin naman sa akin si Andrei na pangisi-ngisi.

Akala mo naman ikinagwapo niya lalo.

Tahimik lang kaming kumakain nang biglang magsalita si Andrei.

"Tita, gusto raw po kayo makausap ng mga magulang ko."

Napataas  naman ang kilay ko dahil sa sinabi niya.

Never ko pang nakita o nakilala ang magulang niya.

They're too aloof.

Maybe, that's really one of the traits of a vampire.

Aloof rin naman kasi ang isang 'to.

He's just too open to us since I am his mate.

Nakita ko namang gulat rin sina Mommy dahil sa sinabi niya.

"They wanted to talk about the upcoming coronation and her birthday."

Dagdag nito saka bahagyang sumulyap sa akin.

Magical Elite Academy 3: The Tremendous (Completed)Where stories live. Discover now