Chapter 4

10.3K 389 10
                                    

[A/N: Si Prof Pepper ay si Paminta na pinsan ni Anna, sa mga nakalimot dyan, sa MEA2.]

Chapter 4

Pagkatapos ng History Class namin ay Potion Class.

"A pleasant morming my dear students!"

Sambit ng Prof yata namin pagkapasok niya palang.

Ba't ba ang ha-hyper ng mga Professors dito?

"So I'm Luisa Dela Croix, you can call me Prof Luisa. So first things, first. Alam kong nag-discuss sa inyo si Prof Pepper kaya bilang isang maunawain na guro ay hindi nalang muna ako magdi-discuss ngayon ng lesson. Ang gagawin ko lang ay sabihin at i-explain ko sa inyo ang magiging project niyo. Is that good?"

Nag-reklamo naman ang ibang estudyante sa sinabi ng Prof.

"Talagang tradisyon na ng mga potion professors dito ng academy na magbigay ng project every first day para ma-aware kayo sa mga gagawin natin for our next meeting and so on. Ang project niyo ay isang potion na pwedeng maging protection mo against Lycans."

Sabi niya kaya napatigil sa kaka-reklamo ang mga kaklase ko.

Iyan na naman po sila.

'They're really obsess of Lycans and Vampires, jusko.'

Nabanggit lang ang Lycans ay nagsitigil na ang mga ito at naging attentive.

"So, it would be by group. At ako ang pipili ng ka-grupo niyo since most of the students here are newbies and transferees."

Sabi ng Prof kaya napangiwi ako.

"Each group would have 5 members, since 40 kayong lahat dito. Ituturo ko lang kung sino ang magiging ka-grupo niyo."

Napabuntong-hininga nalang ulit ako.

Nagsimula naman siyang magturo hanggang sa naituro na niya si Isa at Group 5 ito.

Habang ako naman ay naging Group 7 at sa kasamaang palad, dalawa sa kasama ko ay babae na sa postura palang ay mahahalata mo ng maarte at masungit.

Habang ang dalawang natitira naman ay dalawang lalaki, ang isa ay medyo may kahanginan at talagang ang taas ng tingin sa sarili habang ang isa naman ay hindi ko alam kung marunong bang magsalita o ano, dahil panay tango at iling lang ang ginagawa niya.

At kung minamalas ka nga naman, sila na ang magiging ka-grupo ko hanggang sa matapos ang taong ito.

Nagsimula namang mag-discuss si Prof at panay lang ang daldalan ng dalawang babae sa isa't isa, habang iyong lalaking nabiyaan ng sobrang self-confidence ay kanina pa nakikipag-daldalan sa ibang grupo at iyong lalaki namang sobrang tahimik ay kanina pa hindi kumukurap na nakatingin o nakikinig kay Prof.

Napailing naman ako.

"Ang ingredients at procedure ng potion ay nasa hand-outs na ibinigay ko sa inyo. If you have questions and clarifications, don't hesitate to ask me."

Sambit ng Prof.

"So that's all for today, dismissed."

Dagdag ng Prof kaya nagsitayuan na ang mga kaklase ko.

Kinuha ko naman ang bag ko at inayos muna ang upuan kong medyo natabingi.

"Kain na tayo?"

Tumango naman ako.

"Cafeteria or sa Pamilihan?"

Tiningnan ko naman muna si Isa saka sumagot.

"Cafeteria tayo, tinatamad akong pumunta sa pamilihan."

Magical Elite Academy 3: The Tremendous (Completed)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن