"Pero hindi nga, wala ka pa ring maalala tungkol sa noong bata ka pa, Raine? Grabe ah."

Sabi ni Isa.

"Pakiramdam ko sinadya yatang hindi mo maalala ang mga nangyari noong bata ka pa. It's either may pinoprotektahan ang kung sino mang nagtanggal ng alaala mo o pinoprotektahan ka nila mismo."

Ani ni Tyler kaya napabuntong-hininga naman ako.

"Siguro, hindi natin alam."

Kibit-balikat kong sabi.

"Iyang kwintas mo, Riri? Hindi mo rin ba maalala kung sinong nagbigay niyan? It looks familiar."

Napatingin naman ako kay Tyler dahil sa sinabi nito.

"Hindi ko alam at hindi ko rin maalala. How come that it looks familiar?"

Tanong ko.

"Para kasing may kaparehas na design ang pendant ng kwintas mo, hindi ko lang maalala kung saan."

Tumango naman ako.

"Pero iyang anklet mo? Hindi ba't sabi mo ay ang totoo mong magulang ang nagbigay niyan?"

Si Isa na naman ang nagsalita.

"Oo, iyan ang sabi ni Mama Cara."

Tumango naman silang dalawa.

"Hindi ba't sabi mo pinaalalahanan ka ng Mama mo na h'wag na h'wag mong tanggalin ang kwintas at anklet mo? At sabi naman nung Rogue kagabi ay binigyan ka na raw 'nila' ng proteksyon? What if iyang kwintas at anklet mo pala ang tinutukoy nilang proteksyon?"

Kumuha naman ako ng isang kapiraso ng puto at isinubo kay Isa.

"Tumigil ka na nga lang diyan, kung ano-ano ang naiisip mo eh."

Sagot ko nalang at umismid ito.

"What if kung ganun nga? Kaya ayaw pinapatanggal ng Mama mo ang mga iyan dahil alam niyang gusto kang saktan ng mga Rogues at Lycans?"

Sambit ni Tyler kaya napailing ako at sinubuan na rin siya ng puto.

"Guys, you don't need to overthink about it. Kumain nalang kayo."

Sagot ko saka napabuntong-hininga.

* - *

Kasalukuyan na kaming kumakain sa may pamilihan.

Kakatapos lang ng klase namin at naisipan na naman naming dito kumain sa pamilihan.

Patay gutom kasi itong si Isa.

Kung hindi gwapo ang lumalabas sa bibig ay pagkain naman.

"Saan tayo pupunta pagkatapos nito?"

Tanong ko.

"Punta tayo sa forest ng MEA! Gusto ko kasing makita ang ilog ng MEA saka iyong living tree."

Sambit ni Isa kaya nagtinginan kaming dalawa ni Tyler.

"Safe ba kapag pumunta tayo dun?" Tanong ko kaya napanguso si Isa.

"Oo naman 'no! Hindi ka na babalikan ng mga nun!"

Inismiran ko naman si Isa.

Sino namang may sabi na ako ang pakay ng mga nun?

"Sige na nga lang. Ikaw Tyler? Sasama ka ba?"

Tanong ko sa kanya.

"Baka may gagawin ka pa, makaabala pa kaming dalawa."

Dagdag ko at nakita ko naman itong napabuntong-hininga.

Magical Elite Academy 3: The Tremendous (Completed)Where stories live. Discover now