* - *

Mag-aalas dos na ng madaling araw nang mapansin kong parang pinagpapawisan at panay ang ungol ni Vianca.

"Vi-Vianca! Vianca!"

"Vianca, gising!"

Tinapik ko naman ang pisngi niya at sinubukan siyang yugyugin pero hindi ko siya magising.

Natataranta na ako nang mapansin kong tila ba nahihirapan na siyang huminga.

Tumutulo na rin ang mga luha niya.

"Mommy! Mom! Mom! Nandito sila!"

Napaawang naman ang mga labi ko nang marinig ko ang sinambit.

Pumasok naman si Van sa clinic, pumunta kasi siya sa palasyo para tingnan kung ano ang nangyayari doon o kung mayroon bang problema.

Dali-dali naman itong lumapit sa amin.

"Mommy! Daddy!"

Lumapit naman si Van sa kanya at tinapik ulit ang pisngi ni Vianca.

"Vianca!"

Malakas niyang sigaw pero hindi pa rin ito nagigising.

"Vianca, anak."

Sambit pa ulit nito.

"Lyssandrei"

Turan ni Vianca saka paunti-unting idinidilat ang mga mata.

Napabuga naman ako ng hangin nang magtama ang tingin naming dalawa.

Hindi ko namang mapigilan ang sariling hindi maiyak nang makita ko ang sakit at hirap sa mga mata niya.

Agad ko rin namang pinahid ang mga luha ko at lumapit sa kanya.

"Okay ka lang ba, hija?"

Tanong ko rito at tumango naman ito.

Nakita ko namang napatingin sa akin si Van kaya sinulyapan ko rin naman siya.

Pinahid ko naman ang luha niya at ang noo niyang pawis na pawis.

Umuulan pa rin pero pinagpapawisan siya.

"Sure ka bang okay ka lang?"

Tumango naman ako at nanlaki naman ang mga mata ko nang bigla niya akong yinakap.

Napalunok naman ako bago siya yinakap pabalik.

Humagulhol naman uli siya kaya pilit ko siyang pinapatahan.

Nilingon ko naman si Van.

'Tubig'

I mouthed on him kaya tumango naman ito at pumunta yata sa pantry ng clinic.

"Ssssh, h'wag ka nang umiyak. Ano ba ang napanagipan mo? Naalala mo ba ang nangyari kanina? H'wag ka nang mag-alala hindi ka naman masasaktan ng mga iyon."

Naramdaman ko namang tumango ito.

Ilang minuto pa itong umiyak bago tuluyang nakalma.

Namamaga na ang mga mata nito.

"H'wag ka nang umiyak, gusto mo ba ng tubig?"

Tumango naman ito.

Kaya binigay naman sa kanya ni Van ang isang baso ng tubig.

"Thank you po"

Rinig kong sambit niya kaya napangiti naman ako saka tumango.

Nakita ko naman itong lumingon sa kaibigan niyang natutulog pa rin.

Magical Elite Academy 3: The Tremendous (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon