Special Chapter 1

Start from the beginning
                                    

Nang makarating ang inorder niya ay nilabas niya ang cellphone.

"Do you know your mother's phone number?" tanong niya.

Kaagad tumango ang bata bago humigop sa inorder nito. "Yes po," ito mismo ang nagtipa ng numero sa kaniyang cellphone. "Patawag po ako ah?" tanong nito.

"Sure."

Humigop siya ng kape habang pinapanuod ang bata na nilagay ang telepeno sa tainga. Tapos ay bigla nagliwanag ang mukha nito, siguro ay sumagot ang mommy nito.

Buti naman.

"Hello momma?---Where am I? No, where are you momma? You walked so fast. You know my legs are chubby. ---Yes momma I'm fine. I'm in the starbucks--- Someone helped me. No momma, I'm okay---Alright, I will wait. Labyou!" nang namatay ang tawag ay inabot nito ang cellphone sa kaniya. "Thank you for the phone, Mister." Binulsa naman niya ito.

"You're welcome. What's your name?" tanong niya. Siguradong susunduin na ito ng mama niya.

"I'm Zach po. How about you po?" inosenteng tanong nito bago humigop ulit.

Ngumiti siya at inabot ang buhok nito bago ginulo. "I'm Quvenzhane, just Zayn."

Tumango-tango naman ang bata. Magsasalita pa sana siya ng matapon ang dalang ice tea ng isang waiter sa kaniyang pantalon dahil napatid ito.

"Hala! Sorry sir! Sorry po! Sorry!" sunod-sunod na usal nito halata mong takot.

Kumuha siya ng tissue sa itaas ng lamesa. Bago ngumiti, "It's okay, It was an accident. Don't worry pauwi naman na ako."

Tumayo siya para pumunta sa restroom. "Hey kiddo, pupunta lang ako sa restroom ha. Tutuyuin ko lang 'to." Turo niya sa pantalon.

Tumango naman ang bata bago kumaway.

"Sige po, thank you po!" the kid smile to him.

Napailing na lang siya, gano'n na ba siya kasabik makipag-usap sa bata? Bakit sa tuwing ngingiti at magtatama ang mata nila ay natutuwa siya.

Mabilis siyang pinatuyo ang pantalon, pagbalik niya ay wala na roon ang bata. Kaagad niya tinawag ang isang waiter doon. "Excuse me, nasaan 'yong batang kasama ko?"

"Ah! Umalis na po, kasama ang isang babae. Para pong nagmamadali sila e."

Parang nalungkot siya, umalis na pala ang bata. Tipid lang siya ngumiti bago nag-iwan ng bayad sa table at umalis.

Habang nagdadrive pauwi sana sa bahay niya ng may maalala siya.

Ano na kayang lagay niya?

Mabilis niyang iniliko ang kotse at pumunta sa isang lugar. Pagkababa niya ay kaagad siyang pumasok sa kulungan kung saan nakakulong ang kaniyang ama.

Binati siya ng Police na nandoon.

Blanko ang mukha hanggang huminto siya sa isang selda. Mabaho at madilim bagay na bagay sa ugali ng lalaki.

Nang makita siya ng lalaki ay bahagya pa itong nagulat at hindi makapaniwalang napatingin sa kaniya.

"Zayn! Anak!" sigaw ko at nagmamadaling lumapit kahit na may nakaharang na rehas sa pagitan nila.

Mas nag mukhang matanda ito, humaba ang buhok at naging kulay puti. "Anak! Akala ko hindi ka na pupunta rito? Akala ko hindi mo na ako bibisitahin."

Hindi niya alam pero ni katiting na awa para sa ama ay hindi siya nakaramdam. Sa sobrang sakit ng mga ginawa nito sa kaniya noon naubos na lahat ng pagmamahal at respeto niya sa matanda.

Bumuntong-hininga siya.

"I'm forgiving you, Dad."

Nanlaki ang mga mata nito. "Talaga? Papalayain niyo na ba ako? Anak sabihin mo sa putragis na pulis na iyan na wala akong kasalanan!" parang baliw na usal ng matanda.

"Pinapatawad na kita sa lahat ng ginawa mo pero hindi ibig sabihin no'n ay hindi mo na pagbabayaran ang mga ginawa mo."

"Anong sabi mo?!"

"Have a good life in jail, father."

Narinig pa niya ang malakas na sigaw ng daddy niya pero hindi na niya iyon pinansin pa. Dumeretsyo siya palabas. Ang kapatid ng daddy niya ay wala na sa kulungan. Tuluyan na itong binawian ng katinuan at inilipat sa mental hospital.

Dumeretsyo sa bahay niya at nagpahinga.

Isang taon na rin simula makalabas siya sa asylum. Kagaya ng usapan nila ni Uno, inayos niya ang sarili. Unti-unti rin naging maayos sila ng kapatid niya at si Mat na sa bahay pa rin niya nakatira. Ito ang namahala sa bahay niya habang wala siya.

Ibinagsak niya ang sarili sa kama at napatitig sa kisame. Napangiti siya sa sarili.

"I miss you," bulong niya bago makatulog. Isang babae ang laman ng kaniyang panaginip.


***

Kinabukasan ay maaga siyang lumabas upang magjogging. Naisipan niyang dumaan sa park paikot sa village at hanggang labas. Natigil si Zayn sa pagtakbo ng mapansin ang isang cafe shop.

Bahagyang tumabingi ang ulo niya. Bagong shop lang ata? Ngayon niya lang ito napansin.

Hinihingal na pumasok siya doon. Habang nagpupunas ng leeg ay biglang may sumigaw sa gilid kaya napalingon siya.

"Manong Zayn!" Yung bata kahapon.

Napangiwi siya sa tawag nito sa kaniya pero bandang huli ay napangiti rin siya. Nakaupo ito sa gilid habang kumakain ng cake.

Kaagad siyang lumapit at tumayo sa gilid ng lamesa.

"Hey kiddo!"

"Hello po!"

"Bakit ka nandito? Nawawala ka na naman ba?" nakangiting tanong niya.

Kaagad umiling ang bata bago sumubo ng cake. "No po."

"E ano lang? Sino kasama mo?"

Bago pa makasagot ang bata sa kaniya ay bumaling ito sa likod niya. Ngumiti ito sa nasa likod niya bago kumaway.

"Momma!"

Humarap siya para batiin ang ina ng bata pero bigla niyang nabitawan ang hawak na towel at mineral bottle ng makilala kung sino ang tinawag na momma ng batang lalaki.

Napaawang din ang labi nito ng magtama ang mata nito.

"L-Lauren..."

***

The Beast He BecameWhere stories live. Discover now