"L-Lauren! baby..." tawag niya.

Hindi ako gumalaw, tinitigan ko siya, si Zayn na ba 'yan?

"Baby tulungan mo ko, lapit ka baby ang sakit," wika niya at inaabot ang kamay sa akin.

Napailing ako habang tuloy-tuloy na tumutulo ang luha ko.

"No!"

Tumakbo na ako pataas. Nang makarating ako sa kwarto ni Zayn ay kaagad akong kumuha ng maipanghaharang.

Hindi ko alam saan ako nakakuha ng lakas pero naitulak ko ang kama ni Zayn papunta sa pintuan.

Kinuha ko ang kumot ni Zayn, tatlong kumot ang pinag-tali-tali ko. "Lauren! Open this fucking door! Lauren!" sigaw ni Baron sa labas ng pinto.

Malakas na kinakalampag niya iyon.

Inilock ko ang pinto sa teresa bago ko tinali ang kumot para kapitan ko pagbaba.

"Please lord, buhayin niyo ko. Please," bulong ko.

Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko, hindi dapat ko umiyak masasayang ang lakas ko.

Buong tapang na bumaba ako, sobrang sakit sa braso. Hindi ko lumingon sa ibaba. Hindi abot ang kumot sa ibaba kaya kinailangan kong tumalon.

"Shit!" mahinang mura ko nang tumama ang likod ko.

Dahan-dahan akong tumayo.

Natigilan ako pagharap ko nang makita si Baron na nakatayo doon at nakaabang sa akin.

Napahagulgol na ako.

"B-Baron please, p-please let me g-go."

Nang lumapit siya sa akin ay napaatras ako.

"Pinapahirapan mo pa ako, you think you can escape? I told you, you are mine. Papatayin muna kita bago ko patayin ang katawan na 'to." Umiling-iling ako.

Baliw na talaga siya, hindi ko akalain na aabot sa ganito.

Nang masandal ako sa puno ay lumapit sa akin, wala na akong takbo. Nanghihina na ako. Ang sinaksak kong kutsilyo sa kaniyang hita ay hawak-hawak na niya, iika-ika siya maglakad papalapit sa akin.

Nang makalapit siya sa akin ay pinaka titigan niya ako.

Malungkot siyang ngumiti. Tumulo ang luha ko ng halikan niya ako sa noo bago mahigpit na yakapin.

"Pangako, susunod ako sa'yo mahal ko."

Napaawang ang aking labi ng may bumaon na matalim na bagay sa aking tiyan.

Napahawak ako sa braso ni Baron. Nanlaki ang mata ko napahawak din ako sa tiyan ko nang iangat ko ang kamay ko ay may dugo. Nanlabo ang mata ko sa pinaghalong luha at sakit na naramdaman ko.

Hinugot ni Baron ang kutsilyo at sinagad ulit. Napaubo ako, narinig ko ang hikbi niya habang paulit-ulit na hinahalikan ang gilid ng aking sentido.

Zayn....

Isang malakas na saksak sa aking dibdib ang huli kong natatandaan at ang paghagulgol ni Baron bago ako yakapin ng mahigpit.

Pinilit kong idilat ang mata ko, napaluhod si Baron habang nasa bisig ako. Paulit-ulit siyang may sinasabi pero hindi ko na maintindihan. Wala na akong naiintindihan. Umiikot na ang paligid at slow motion na ang pagbukas ng bibig niya.

Tipid akong ngumiti sa kaniya. At least ang mukha ng lalaking mahal ko ang nakita ko bago ako bawian ng buhay.

Ang huling lakas ko ay ginamit ko para magsalita.

"I-I love you..." tumulo ang luha ko.

Bago magdilim ang lahat at kunin ako ng Diyos ay nakita ko pang sinaksak ni Baron ang kaniyang dibdib.



***
EPILOGUE NEXT? EXCITED?
*EVIL LAUGH*

The Beast He BecameWhere stories live. Discover now