"Si Zayn pa rin? Kahit papatayin na kita si Zayn pa rin iniisip mo ano putangina naman!" sigaw niya.

Lumayo siya sa akin. Gamit ang isang kamay ay sinabunutan niya ang sarili habang habol ko naman ang aking hininga.

Nang humarap siya sa akin ay ibinaba niya sa gilid ang kutsilyo, hinawakan niya ako sa pisngi at pilit hinaharap sa kaniya.

"Kiss me!" sigaw niya.

Tinikom ko ang aking bibig kasunod nood ay ang pagtama ng palad ni Baron sa aking kanan pisngi.

Napahagulgol ako.

Manhid ang katawan ko pero nasasaktan ang puso ko. Nasasaktan ako na ang lalaking mahal ko ang gumaganito sa akin. Ni minsan hindi ako pinagbuhatan ng kamay ni Charles at Zayn.

Pero hindi naman 'to si Zayn. Si Baron 'to. Akala ko ba mahal niya ako? Bakit! Bakit ganito siya magmahal?! Nakakatakot.

Hinawakan niya ang buhok dahilan upang mapatingala ako. Pilit kong inaalis ang kamay niya sa akin.

"Kapag sinabi kong halikan mo ako! Hahalikan mo ako!" sigaw niya.

Dilat ang mata na hinalikan ko siya narinig ko ang bahagya niyang ungol dahil sa biglaan kong paghalik. Ang aking kamay ay unti-unting inaabot ang kutsilyo sa gilid. Kailangan ko makaalis dito at makahingi ng tulong!

Hindi ko hahayaan gawin niyang kriminal si Zayn.

Mariin akong pumikit bago mahigpit na hinawakan ang kutsilyo at isinaksak iyon sa hita ni Baron.

"Fuck!!" malakas na mura niya at napahawak sa hita niya.

Kaagad ko siyang tinulak, hindi ko siya nilingon dahil natatakot akong makita ko sa kaniya si Zayn at madala ako ng awa ko. Kailangan ko makaalis, kailangan ko sila iligtas baka buhay pa sila, magagawa ko iyon kapag naligtas ko ang sarili ko.

Mabilis akong tumakbo sa pinto pero ayaw mabuksan.

Tumakbo ako sa bintana sa sala pero sarado iyon! Tumakbo ako sa kusina kung saan may sliding glass wall papunta sa pool. Naka-lock din!

"Oh god! Oh god! Please help me!"

"LAUREN!"

Hindi ko pinansin ang nanggagalaiting daing ni Baron sa sala. Tumakbo ako sa likod, alam ko may daan sa laundry room.

Naiiyak ako habang tumatakbo, hawak ko ang leeg ko para hindi tumagas ang maraming dugo. Kung mamamatay ako ayoko sa kamay ni Zayn. Hindi niya kakayanin 'yon! Kapag nagising siya't malaman niyang siya ang nakapatay sa amin baka—baka tuluyan na siyang mawala sa ulirat.

Napaka hirap na lalaking mahal mo pa ang papatay sa'yo.

Hingal ako nang makarating sa likod, inikot ko ang door knob pero sarado. Napahikbi ako, paano ako lalabas?! Nakasarado lahat!

Sa itaas! Baka bukas ang teresa sa itaas, mabubuhay kaya ako kung tatalon ako?

Mabilis akong bumalik at umakyat sa hagdanan nakita ko pa si Baron na namimilipit at masamang nakatingin sa akin tapos bigla siyang napahawak sa ulo niya bahagya akong natigilan.

The Beast He BecameWhere stories live. Discover now