"Yes. Food and clothes."

"Very good. Sige na ingat sa pagdadrive, sure kang walang nakasunod sayo?" may pagdududang tanong ni Baron.

Umiling lang si Charles.

Bago pa tumalikod si Charles ay sinulyapan niya ako, binigyan niya ako ng isang ngiti bago tuluyan umalis. Napakurap-kurap ako doon.

That smile!

Charles always do that everytime I'm scared! Everytime he wants to tell me that I can do it.

Bahagya akong napatulala, anong ibig sabihin niya doon?

"Love!"

Napaigtad ako ng pumitik si Baron sa harap ng mukha ko. "Ano ba?! Please lang Baron tigilan mo muna pangungulit mo! Mababaliw na ako sa nga nalaman ko, hayaan mo muna ako mag-isip!" inis na singhal ko sa kaniya.

Bahagya akong lumayo sa kanya, pilit kong kinakalma ang aking sarili. Gusto kong habulin si Charles at sabihin na isama na lang niya ako, na ayoko na rito dahil natatakot ako kay Baron.

Ngumuso siya sa harap ko.

"But I'm hungry."

"Edi kumain ka! Akala mo ba gano'n lang kadali ang mga nalaman at ginawa mo sa akin ha? Akala mo ba gano'n kita kadaling mapapatawad! You fucking used me! You manipulating us!" inis na sigaw ko.

Mariin siyang pumikit at tinakpan ang tainga niya.

"Shit! Shit! Shit! Don't raise your voice damn it!" Napaatras ako at napatitig sa kaniya.

Para bang naiirita siya kapag sinisigawan ko siya. Huminga siya namg malalim na para bang pinapakalma ang sarili niya.

Tapos ay mahigpit niya akong hinawakan sa braso.

"I'm—I'm trying to be a good fucking Baron so please cooperate because I'm not Zayn who can tolerate your attitude! I'm not Zam who wants to play with you! I'm not Giov who wants to flirt and make out with you all day! I'm not Ji-hyeon who will take you to a fucking kpop concert! I'm not Gorge thay will give you an advice! I'm Baron! Take it or leave it! You will do whatever I want because you are mine! You're my girl. Do you understand?!" madiin wika niya.

Nanlamig ang kamay ko, ibang-iba na siya. Nakakatakot siya.

"I said do you understand?!"

"O-Oo! Oo!"

"Good," bulong niya bago halikan ang noo ko. "Aayusin ko lang 'yong pagkain natin. Babalik ako. Don't try to escape. Hindi mo magugustuhan kapag nagalit ako."

Nang makalabas siya sa pinto ay narinig ko pa ang paglock niya roon, napahilamos ako ng mukha gamit ang aking palad.

Sobrang sakit ng katawan ko at ulo ko. Yong nangyari kagabi at 'yong nalaman ko ngayon. Hindi ko na alam sino pa ang pagkakatiwalaan ko.

Is he becoming a psychopath?

Pinakiramdaman ko ang sarili ko, nasasaktan ako sa mga nalaman ko pero hindi ako galit kay Zayn. Naiinis ako kay Baron pero hindi ako galit kasi kahit anong gawin ko dahil si Zayn pa rin iyon, katawan at mukha ni Zayn pa rin ang kaharap ko.

I want to clarify things. I want to end this game but how will I do that without hurting him?

Hindi na siya maayos at hindi siya aayos kailangan ko makausap si Uno at Mat. Kung kailangan dalhin na namin sa asylum si Zayn, kung kailangan ikulong siya sa isang lugar na hindi siya makaka-alis kahit pa lumabas ang ibang alters niya ay ligtas siya.

Ngayon alam ko na kung sino ang kapatid niya, kailangan ko na lang hintayin bumalik si Zayn. Pero paano?

Napalingon ako sa pinto nang bumukas iyon at dumungaw si Baron.

The Beast He BecameWhere stories live. Discover now