Chapter Seven

48 6 0
                                    

*Miracle Justine*

Nagising ako sa isang ingay sa aking tabi. May nagsisigawan at halata namang nag-aaway.😑

"Aba eh, kanina pa 'yan walang malay ah! May ginagawa ba talaga kayo para gumaling siya, ha?!" sigaw na pagalit ng isang babaeng pamilyar ang boses.

At pagmulat ko ng aking mga mata, si Katelyn lang pala! Tch.

"Ma'am, huwag po kayong mag-eskandalo rito. Maari niyo pong maistorbo ang mga pasyenteng kasalukuyang namamahinga." malumanay na pagsusuway ng isang doktor.

"At hayan pa! Bakit ba kasi hindi niyo inilagay itong bestfriend ko sa isa sa mga private rooms niyo dito, ha?! Bakit andito siya?! Argh!!!" gigil na sigaw pa rin ni Katelyn sa doktor.

"Katelyn." tawag ko sa kanya.

"At isa ka pa!" biglang baling niya sa akin at nakaduro pa! Agad naman akong napaiwas. "Kanina ka pa nakaratay diyan! Pakyu ka! Kanina pa kita hinihintay na magising Justine, ano bang---!" biglang preno niya sa pagdadada ng mapagtantong gising na'ko. "Waaahhh!!! Justine, ano bang nagyari sayong gaga ka ha?!" pagkamusta na niya sakin.

'Kagaling, Kate. Mangangamusta ka na nga lang 'me mura pa! Psh!😕'

"Tsk! Teka nga!" sabi ko sa kanya at binalingan ang doktor. "Pasensiya na po kayo, Doc. Naalog yata masiyado ang ulo nitong kaibigan kong ito nung iangat siya ng doktor na nagpaanak sa nanay niya eh, hehehe!" paumanhin ko.

"Ayos lang, Ms. Villahermosa." ani nito at umalis.

Hinampas naman ako ni Katelyn sa braso. Napatingin naman ako sa kaniya at natawa na lang ng bumungad sakin ang nakanguso niyang labi. Tila ba nagtatampo o nagpapaawa. Tch.

"What?" natatawang tanong ko.

"Anong what?! Pinag-alala mo ko ng matinde tas what lang?! Eh kung iuntog kaya kita, ha?!!" inis na sagot niya.

Napailing na lang ako.

"Oh eh, kumusta ka naman na?" tanong niya.

Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko bago sumagot.

"Mukhang maayos naman na ang lagay ko. Hindi naman na ako naeebak." sagot ko.

"Tss. Nadehydrate ka raw sabi ng doktor." inform niya.

"Alam ko. Tch!" sagot ko.

Gulat naman siyang napatingin sa'kin pero agad ding nakabawi.

"Oo nga pala. Pangarap mong maging doktor, nalimutan ko. Psh!" komento niya.

"Ano bang kinain mo at na-LBM ka?" mayamaya'y tanong niya.

"Wala naman. Nagkape lang ako."  sagot ko.

"Eh?! Sa'n mo nabili yung kape?" tanong niya.

"Ibinigay lang sa'kin nung Diaz." sagot ko at bumuntong-hininga.

"What?! Diaz?! S-sinong Diaz? A-anong D-diaz?! WTF, Just?! Patay na si Vlad!" uutal-utal at 'di makapaniwalang tanong niya.

'Tss. Geh, ipaalala mo pa ha! Psh! Engeng!😑'

"Hindi si Vlad ang tinutukoy ko, okay? Yung isang Diaz... si Matteo." paliwanag ko.

"Uh, oh! Yung transferee na gwapo?! Hehehehehe! Kumpletuhin mo kasi!" natatawang sigaw niya. "Oh siya eh kung yung kapeng yun talaga ang dahilan, bakit naman niya ibibigay sayo yun?" takang tanong niya.

Where Are You?Where stories live. Discover now