Chapter Five

31 6 0
                                    

(Kinabukasan...)

*Destiny Mae*

"Huwahuhuhuhuhu!!! Mija!!!" I screamed.

Agad namang lumingon si Mija sa akin.

"Hurry up, Tadz! Don't cry! Come on!"  tawag niya sa akin.

"Where's Miju?!" tanong ni Mimi.

"She's with the Diaz." sagot niya.

Agad naman na kaming sumakay sa kotse nila kasama si AJ.  Patuloy pa rin ang pag-iyak namin ni Mimi at AJ at maging si Mija ay umiiyak na.

"Hon, magkita na lang tayo sa may garden! I'll get Miju." sabi ni Tita kay Tito.

"Mom, I'll go with you. Please!" pagmamakaawa ni Mija.

Pero hindi siya pinakinggan ni Tita kaya agad siyang tumakbo pasunod.

"Mija!!!" sabay-sabay na sigaw naming apat ni Tito, AJ at Mimi.

Agad na nag-drive si Tito.

Mayamaya ay nakarating kami sa kung saan at huminto. Mayamaya pa ay bumukas ang pinto at agad na itinulak ni Tita papasok sina Mija at Miju sa amin.

"Miju, may tama ka! You're bleeding!" bulalas ko nang makitang dumudugo ang kanyang kaliwang braso.

"Don't worry, Tadz. I'm fine." sagot niya sa akin. Naiyak ulit ako.

Niyakap niya kaming apat.

"Don't worry, okay? Everything will be fine." pang-aalo niya.

Nakarinig pa rin kami ng putukan. Napatingin kaming lahat kay Tita ng bigla siyang lumabas doon sa may pinto sa taas ng kotse nila.

At nakikipag-barilan siya.

"Take care, Hon!" sigaw ni Tito.

"I will." sagot ni Tita.

"Hey, Veronica! We'll help you!" sigaw ni Tita kay Tita Veronica.

"Thanks, but take care Melanie!" sigaw pabalik ni Tita V.

At nagkasabay na ang parehas na kotse ni Tito Jacob at Tito Gabriel.

Napakabilis magpatakbo ni Tito.

"Oopss! Sorry, may dumaan kasing sasakyan eh. Hehehehe!" paumanhin ni Tito sa amin ng bigla siyang prumeno at napasubsob kami.

Nagdrive ulit si Tito.

Bumaba si Tita at agad siyang pinigil ni Tito.

"Teka, hon. May baril sa ibaba. Baka maapakan mo." sabi ni Tito.

"Geh. Lalagyan ko lang ito ng bala. Anong baril ba iyan?" tanong ni Tita.

"Hindi ko makita, Hon. Nakafocus ako sa pagda-drive." sagot ni Tito.

"That's carbine rifle." sagot ni Miju.

"How did you know?" takang tanong ni Tita.

"Diba po nagtanong ako kay grandma kasi may assignment po kami na magresearch ng iba't-ibang klase ng baril? Hayun po." paliwanag niya.

Where Are You?Where stories live. Discover now