TGS: Dress

339 27 505
                                    

"Break na tayo," I frankly said


Sino nga ulit 'to? Oh my goodness, I can't even remember him!


"What? Are you serious?! Oh c'mon, mag-isang buwan pa lang tayo!" paghihysterical niya,


"That's the reason, stupid!" bago pa siya makaangal ay umalis na ako. Ang sakit sa tainga ng mga reklamo niya. Hay my beautiful ears!


87th victim


Ang sarap sa feeling! What a fulfillment, ganun pala maging lalaki? Ikaw manliligaw, tapos sasagutin ka lalo na kapag patay na patay sayo! Kaso, ang cliché masyado tsaka nagiging boring kapag clingy ang lalaki. I don't even see any challenge at all! Nakakaumay kaya!


Tigilan ko na kaya?


On a second thought, 'wag na pala. Maraming manghihinayang!


Hay, magpahinga na lang muna kaya ako? Nakakapagod manligaw ng mga lalaki, walang thrill! Lalapitan ko lang sila tapos hindi pa nga ako natatapos magsalita, I'm just wearing my beautiful and sexy smile tapos ang sasabihin nila,


"Tayo na! Tayo na, Jasmine!"


See? Walang thrill diba?


I want some challenge. Iyon bang hindi mabilis bumigay? Just like how usual girls play hard to get. I want to experience spending time too! Even money for that matter, kalahati halos sa mga niligawan ko ay ako pa ang pinakakagastusan. Ganun siguro 'pag maganda?


Ipinilig ko ang ulo ko nang marinig ang mahina tawag sa akin, "Jas!" ani Helena


Nagpasya kaming magkita ngayon sa may field dahil wala namang klase. Palibhasa kasi ay matanda na ang propesor namin kaya madalas ay laging absent. Kung hindi may sakit ay may mga meeting na inaasikaso. I wonder kung papasa pa ba kami sa subject niya?


"Saan ka galing?" salubong ni Helena nang nagpasya akong lumapit sa kanila at tumabi. Sigurado naman akong alam niya kung saan ako galing pero ewan ko ba dito at tinatanong pa rin niya


"Malamang, nakipagbreak 'yan dun sa for God knows who 4-day boyfriend niya!" masungit na sipat ni Rebecca sa akin, she rolls her eyes very often that makes it so unpleasing to the eyes


Tanggalan ko kaya siya ng mata?


Tumaas ang kilay ko sa paratang niya at ipinakita gamit ang mga daliri ko ang numero kwatro, "Correction, almost 4 weeks. Duh?"


"Pinakamatagal 'yan ha!" masayang bati ni Helena, mabuti pa siya at supportive lang.


"Pare-pareho lang naman 'yun," mahinang bulong ni Becca na akala mo ay hindi naririnig


Minabuti ko na lang na huwag pansinin iyon dahil wala naman akong mapapala sa mga petty remarks niya, stay unbothered!

The Girl Suitor [ON GOING]Onde histórias criam vida. Descubra agora