TGS: Goodnight

140 12 242
                                    

"Oh my god!"


The whole house was put on alarm with my friends' squeals. Sigurado akong rinig sa buong bahay ang kanilang tilian, kung nasa kwarto pa lang ay sobrang lakas na. What more if it resounds to the whole house? Hindi na ako magtataka kung may susugod sa amin dito para magtanong kung bakit nagtitilian ang mga bruhang ito.


I suddenly regret the decision of bringing them here, but there's a part of me that's still relieved that announced them the news I've been meaning to tell here at the house. Ayoko nang ma-kick out ulit sa isang coffee shop! Baka kasuhan na kami ng public disturbance, that's a big no!


I heard my door knob turned kaya siguradong may nakarinig nga sa labas, I was expecting some helper to ask us but it was my least expected visitor, basta basta niya lang rin binuksan ang pintuan at pumasok nang walang pahintulot!


"What's happening? Are you all okay?" horror was evident in her eyes, tila ba hindi siya kumportable sa tiliang narinig


I saw how Rebecca and Helena calmed down, they just smiled at my mother before telling her that everything's fine. Nagpaliwanag na rin si Rebecca na nagkakatuwaan lang kaya nagkaroon ng tilian.


Meanwhile, I just shook my head in response while hearing Rebecca's sentiments to my mother. I'm used to it with her barging in rooms whenever she'll hear loud shrieks or shouting match. I don't know if it's a trauma pero madalas talagang tuwing may sigawan ay nagiging aligaga siya at nagpapanic, tila hindi alam ano ang uunahin.


"We're fine, you can now leave." I bluntly said,


Kita ko kung paano guminhawa ang paghinga niya, "Ah okay. I—I'm sorry.." tumango siya sa amin bago dahan-dahang sinara ang pintuan


Sinalubong ako nina Helena nang hampas sa braso kaya naman pabiro kong hinila ang buhok nila, masakit kaya!


"Ang bastos mo pa rin kay Tita," si Helena


I just scoffed in return. Alam kong alam nila ang totoong dahilan so they can't really blame me. Nung nalaman nga nila iyon ay halos magbago na ang tingin nila kay Mommy pero dahil nakilala nila ito at binigyan respeto, pinanatili na lang nila iyon. Well, sorry to burst their bubble, I can't do the same.


"But haven't you thought of moving on? Ilang taon na ang nakalipas pero ganyan ka pa rin!" litanya ni Rebecca,


I honestly thought of being just like my Dad, to be understanding and to forgive and forget. But I really can't, not when she was the sole reason why I've undergone several therapies for my trauma and anxiety disorder. Idagdag pa si Tyrone kaya naman sobrang bumaba ang tingin ko sa sarili ko, I think that's just something I can't let pass.


Binalot kami ng katahimikan at wala talagang may balak na umimik kahit isa sa amin. After how many minutes, Rebecca broke the silence by changing our topic. Back to the reason why they were squealing a while ago,


"Anyway! Ang swerte mong malandi ka! Anong feeling ka-lips to lips si Kislev?!" kinikilig nitong sambit, hindi pa nakuntento at hinampas na naman ako. Really? Hindi ata matatapos ang pagkkwento niya nang hindi nanghahampas!

The Girl Suitor [ON GOING]Where stories live. Discover now