Now looking at Dawn and his husband, I can't help but think if I can ever have that. To have someone I can call my husband and to have children that I will love as much as I love their father. Pakiramdam ko hindi lang ang taong mahal ko ang nawawala sa akin kundi maging ang mga pangarap ko na gusto kong matupad na kasama siya.

"I-I need to go." I whispered.

"Hera!"

Hindi ko na pinansin ang pagtawag sa akin ni Dawn at nagmamadaling umalis na ako. Tinahak ko ang daan palabas ng headquarters at dumiretso ako patungo sa BHO CAMP Hospital. Nang makarating doon ay nagtuloy-tuloy lang ako sa pagpasok. Hindi naman ako pinapansin ng mga medical staff dahil bukod sa kilala nila ako ay alam na nila lahat ang sitwasyon ko. Hindi naman miminsan na narinig ko silang pinag-uusapan ang tungkol kay Thunder at sa akin.

Sumakay ako sa elevator at pinindot ang palapag kung saan nandoon ang kuwarto ni Thunder nang may mg akamay na pumigil sa pagsarado ng elevator. Naramdaman ko ang pagpasok ng kung sino pero nanatili akong nakayuko lang.

"Hera."

Nagtaas ako ng mukha nang maulinigan ko ang pagtawag sa pangalan ko. Mahigpit na napakuyom ang mga kamay ko nang makita ko kung sino ang taong nakatayo sa harapan ko.

"Bibisitahin ko sana si Thunder."

"Bakit pa?" basag ang boses na tanong ko. "Wala ka naman matutulong sa kaniya, Ridley. You already failed remember?"

Isa siya sa mga agent na pinag-aaralan ang sakit ni Thunder. Siya rin ang nag-lead para sa paglikha ng panibagong gamot para kay Thunder. Pero wala pa ring nangyari. Sa huli kung anong kinatatakot namin ay doon pa rin nauwi.

"I've done everything I could. And I'm still trying."

Umiling ako at mapait na ngumiti, "Pinaasa mo lang kami."

Umangat ang kamay ng lalaki na para bang hahawakan niya ako pero kaagad akong lumayo. Kita ang paghihirap sa mga mata niya. I know in my heart that he didn't want this outcome. But I can't stop myself from hating him.

"Alam kong kailangan mo ng masisisi. If that will make you feel better it's okay with me. But you should know that I tried everything. If I could just change what happened-"

"You can't."

Nilagpasan ko siya nang bumukas na ang pintuan ng elevator. Hindi lumilingon na naglakad ako papunta sa kwarto ni Thunder pero nang hawakan ko ang seradura ay natagpuan ko ang pinto na bahagya ng nakaawang. Bago ko pa maitulak ang pinto ay naulinigan ko ang pag-uusap mula sa loob.

Naririnig ko ang mga magulang ni Thunder na may kausap sa loob. I was about to close the door to give them privacy when I heard Thunder's mother speak.

"Is he suffering?"

"Wynter-"

"My son is suffering isn't he?"

Ilang sandaling katahimikan ang nayamani sa loob ng kuwarto habang ako ay nananatiling nakatayo sa labas habang tila nanlalamig ang buo kong katawan. I can't stop myself from listening even though I know it's wrong.

"Hindi ito ang gusto niya. Hindi gusto ni Thunder na makita ng pamilya niya na nahihirapan siya ng matagal. He won't want Hera to witnessed him deteriorating like this too. You know how he is. Even when we're all ready to fight with him, he made up his mind to go through this battle without having any casualties except himself."

"Wynter we still have time. Gumagawa ng paraan ang experiment department." marahang sabi ng boses sa isa sa kambal na Ice at Wynd.

"He's suffering."

BHO CAMP #8: The CadenceWhere stories live. Discover now